5.04.2010

SUCALDITO VERSUS WILLIE REVILLAME

Nagbanta ang sikat na TV host na si Willie Revillame na magre-resign siya bilang host ng Wowowee kapag hindi pinatalsik sa ABS-CBN ang segment host ng The Buzz at entertainment columnist na si Jobert Sucaldito.

Ito ang magandang abangan. Alin ang pipiliin. Si Revillame na nagdadala ng taksan taksan ng kuwarta sa ABSCBN o si Sucaldito na isa lamang piyon sa The Buzz.


Ito ang balita. Basahin habang nagpapapak ako ng mais.


Sa live episode ng Wowowee kaninang tanghali, May 4, ay hinamon ng galit na galit na si Willie ang ABS-CBN management na tanggalin sa Kapamilya network si Jobert dahil diumano sa pang-iinsulto ng huli sa mga contestant ng kanyang noontime show.






Tinira ni Willie si Sucaldito dahil sa pagkukuwestiyon ng huli kung bakit pinapayagan ng Wowowee na maging contestants ang high school students na ang general average ay 75 hanggang 79. Ang basa rito ni Willie ay sinasabi ni Sucaldito na mahina ang ulo ng mga pinagkukuhang contestants.

No comments: