6.02.2009

Katrina Halili drug test, negative


Katrina was accused of Hayden Kho's mother to have introduced drugs to her son.
She tested negative from the drug test. What is the camp of Hayden Kho's going to do?

Philippine Entertainment Portal)Mula sa telepono ang legal counsel ni Katrina Halili na si Atty. Raymund Palad ngayong gabi, June 2. Napag-alaman namin sa kanya na nagtungo na si Katrina sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para mag-undergo ng drug testing kaninang bandang 3:30 ng hapon. Ang PDEA ang pangunahing ahensiya ng gobyerno laban sa droga.





Pero kanina ngang hapon ay nagtungong muli sa tanggapan ng PDEA si Katrina at ang kanyang legal counsel. Ayon kay Atty. Palad, talaga raw naka-schedule sila ngayong araw na ito para isagawa ang drug test. Pero nauna raw dumating sa PDEA si Hayden, na sa pagkakaalam ng abogado ni Katrina ay hindi talaga naka-schedule, pero nag-decide na rin daw na magpa-drug test.



Ayon kay Atty. Raymund, nagdesisyon silang ilihim sa media ang pagpunta ni Katrina sa PDEA. Nagkataon lang daw na nauna na ngang dumating si Hayden at marami nang media ang nag-aabang kanina.



Hinintay na lang daw nilang matapos si Hayden bago sila tumuloy sa PDEA. Mag-a-alas kuwatro raw nang magbigay ng sample ng kanyang urine si Katrina. Ang mga taga-PDEA na ang nagsabing hintayin na lang nila ang resulta na lumabas din bandang alas-singko ng hapon.



"The PDEA people wanted us to wait. At ang resulta nga ay negative si Katrina for the use of any drugs. The paper was presented to the officer, pinirmahan and given to us, yung mismong official result ng drug test ni Katrina from PDEA na negative nga. Hindi lamang sa Ecstasy kundi maging sa ibang uri ng drugs."


No comments: