6.06.2009

Ruffa Gutierrez alsa balutan


So is the chismis true? For weeks now, Ruffa Gutierrez has been linked with John Lloyd Cruz. Yesterday, Ruffa Gutierrez left the family home in Dasmarinas after her quarrel with her mom Annabelle Rama. The cause of the quarrel is the new man linked to her who may not be identified but is said to be much younger than Ruffa.

Here is the news:

MANILA, Philippines – Kinumpirma mismo ng talent manager na si Annabelle Rama na "lumayas" ang panganay at kaisa-isa niyang anak na babae na si Ruffa Gutierrez sa kanilang tahanan sa DasmariƱas Village, Makati City, umaga ng Sabado, June 6.

Ayon sa report ng entertainment columnist na si Ricky Lo sa Startalk kanina, kasama raw ni Ruffa ang kanyang dalawang anak na sina Lorin at Venice.

Kuwento ni Ricky, "Ayon kay Annabelle, umalis si Ruffa pagkatapos ng isang matinding away sa pagitan nilang mag-ina. May kinalaman diumano ito sa isang lalaking nauugnay ngayon sa aktres.

"Bagama't hindi pinangalanan ang lalaki, sinabi ni Annabelle na... Sa pag-uusap din namin kani-kanina lang, ang lalaki raw ay walang respeto... Words ni Annabelle 'to ha, 'Ang bata-bata mo pa, nanliligaw ka sa babaeng may dalawang anak na!'

"Ayon pa kay Annabelle, sa aming pag-uusap, tigilan na raw ang pagpapadala ng pagkain at regalo ng lalaking yun kay Ruffa. At ayon kay Annabelle, hindi raw niya titigilan ang lalaki hangga't hindi siya tumitigil sa panliligaw kay Ruffa."

Sinabi pa ni Ricky: "Sa palagay ko ay alam n'yo na at alam ko rin kung sino ang lalaking tinutukoy ni Annabelle."

Sa susunod na linggo raw ay ibubunyag na nila ang pangalan ng lalaki at ang dahilan ng paglayas ni Ruffa sa kanilang tahanan.

Hindi man binanggit ng Startalk ang pangalan ng lalaki, naging laman ng balita lately ang pagkakaugnay ni Ruffa sa aktor na si John Lloyd Cruz. Pero pinabulaanan ito pareho nina Ruffa at John Lloyd sa kanilang magkahiwalay na interviews.

Bago ang paglalayas ni Ruffa ay naibalita na nagkagalit na naman sila ng kanyang ina. Pero nagkabati rin sila nang maaksidente ang kapatid ni Ruffa na si Richard Gutierrez.

Nang mag-guest si Annabelle noong May 24 sa The Buzz, kung saan co-host si Ruffa, ay ikinuwento ng mag-ina ang kanilang hindi inaasahang pagbabati

No comments: