UnA sabi niya hindi sia magcoconcert kasabay ng kay Pops dahil ayaw niyang kumpetensiyahin ang dating asawa. Tapos ngayon ay nabalitang may show sa isang mall lang naman.
Ngayon,gusto niyang ibalita na hindi siya pupunta sa concert ni Pops. Eh sino ba ang may sabing iniimbita siya ni Pops?
Ito ang balita.
Nakatanggap kami ng surprise text last Saturday afternoon (November 24) mula sa Concert King na si Martin Nievera. Unexpected sa amin 'yon dahil mas malapit kami kay Gary Valenciano kesa sa kanya.
Dedemahin sana namin ang text na 'yon dahil baka isa siyang prank texter. But out of courtesy and part of cellphone etiquette, nag-text back kami ng, "Yes, can I help you?"
"Can you release a statement re going or not going to Pops [Fernandez] concert?"
Upang maging balanse sa bawat panig, pumayag kami sa kanyang request. Binanggit ni Martin sa amin kung kanino niya nakuha ang cell number namin, kaya hindi na kami nagduda na siya ang ka-text namin.
"I am just very, very concerned about all this talk about Pops supposedly saying that I might surprise her or that she hopes I come to her 25th anniversary concert," kasunod na text ni Martin sa amin.
Nag-suggest pa kami kay Martin na e-mail na lang niya sa amin ang official statement niya. But after ilang minutes, sa text pa din niya dinaan ang pahayag niya sa mga tinuran ni Pops sa nakaraang presscon ng Diva-Licious concert niya na gagawin sa December 8 sa Araneta Coliseum.
Heto ang statement ni Martin na una ninyong mababasa sa Philippine Entertainment Portal (PEP):
"Just tell all that as much as I would love to be there as her career turns 25, I will NOT be.
"It hurts me to have accepted work on that same day just to make sure I am not tempted to go. Why?
"After reading her YES! magazine and her last interview with Isah Red, I really don't need to read anything more to get the hint that Pops doesn't want me anywhere near her. Would you?
"My best wishes to our country's Concert Queen. May all your wished come true!" end ng text ni Martin tungkol sa kanyang dating maybahay.
Matatandaan na naging controversial para sa dating mag-asawa ang tell-all interview na ginawa ni Pops para sa October 2007 issue ng YES! magazine. Ang tinutukoy naman niyang interview ay may pamagat na "A Martin-less 25th year in show business" na sinulat ni Isah Red para sa broadsheet na Manila Standard Today.
entertainment,Pops FernandezJomari Yllana,gretchen,celebrities,MArtin Nievera
No comments:
Post a Comment