11.10.2007

In This Corner of the Universe-Gretchen Barreto magproroduceng CD

May pakulo na naman si Gretchen Barreto. Magpproduce daw siya ng CD. Aminado naman siya na walang bibili kaya ipamimigay na lang niya.

Ito ang balita.

I will be recording a CD with 12 of my most favorite songs and I will be giving it away kasi nakakahiya naman kung ibenta ko at walang bumili," patawang sinabi ni Gretchen.

“Ako ang kakanta ng mga favorite love songs ko through the years. Makikita n’yo yung buhay ni Gretchen Barretto sa bawat kanta."

Unexpected ang title ng album ni Gretchen at ang isa pang malaking sorpresa ay ang partisipasyon ni Tonyboy sa nasabing CD.

“Tony is joining me in one song ‘The Last Time I Felt Like This.’ Nung una, pinipilit niya na maggi-gitara daw siya for one of my songs. So, sabi ko, 'Huwag na lang, mas magaling kang kumanta,'" pahayag ng aktres.




Walang magawa ang dalawang ito sa pera nila. Kahit pilit, gagawin nila. Hohum.

,

No comments: