11.02.2007

In this Corner of the Universe-Jennylyn ayaw na kay Becky Aguila

Natural, pagkatapos na iwanan siya sa GMA, aasahan pa ba naman ninyo na ituloy pa ni Jennylyn Mercado ang pagrenew niya ng kontrata kay Becky Aguila?

Ito ang balita.


Nakuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang reliable source na hindi na raw magre-renew ng kontrata si Jennylyn Mercado sa kanyang manager na si Becky Aguila.

‘Di tulad ng daw sa kontrata ni Angel Locsin, wala raw option to renew ang kontrata ni Jennylyn, na mag-i-expire this early 2008, sa management ni Becky.

Sa interview namin kay Jennylyn sa set ng La Vendetta sa San Fernando, Pampanga, looking forward na raw si Jen sa pag-expire ng kanyang contract with Becky. Naging vocal naman daw si Jen na may mga hindi siya nagustuhan sa takbo ng kanyang career, partikular na ang pagkadamay daw niya sa paglipat ni Angel sa ABS-CBN 2.

"Inaayos na po namin," ngiti ni Jen. "Hindi ko ikukuwento pero mas magiging maayos na ang lahat next year
."


,,

No comments: