Dear Aga Fans,
Read Aga Muhlach's bio and related articles.
Kahit bata pa naging ama is Aga Muhlach, pinandigan niya ang pagsuporta sa kaniyang anak na si Igi Boy kay Janice de Belen. Ang problema ay wala yatang direksiyon sa buhay ang bata.
Ito ang sabi ni Aga Muhlach:
"Yeah, eskuwela niya, lahat pa rin," sagot ni Aga. "But it's all really... kasi minsan parang hit-and-miss 'yan, e. Parang either you trust your son, you give him this. And then, kailangan sasabihin niya, ‘Pa, I'm, gonna do this, I'm gonna do that,' ganyan-ganyan. ‘O sige.' Mamaya pag ibinigay mo, hindi na naman itinuloy. But you know, bata, e, nagbibinata. He's 20 or 21 years old."
That was Aga's same age nang kumakayod na siya bilang artista.
"Yeah, dumapa na ako noon," sabi niya. "Naghirap na ako't lahat. Dinanaanan ko na lahat 'yan. Sabi ko [kay Igi Boy], ‘If you want it that way, believe me, 'yan ang mangyayari sa ‘yo sa ginagawa mo na ‘yan. But there's nothing wrong.' Sabi ko, ‘In life, you are given all the choices. You want to be a bum, you can. But that's your life.' Choice mo ‘yan, e. [Kung] bum ka, bum ka. Kung maging mayaman, magsipag ka, ganun lang 'yan. Pero huwag ka lang magpapahirap sa ibang tao, di ba?"
"Ginagawa niya ‘yan because doon lang siya makakapasok. Hindi siya makakapasok sa eskuwela sa regular school, because, I think... I don't want to embarrass my son. I can't talk about it. But, you know, he took it up two years ago.
"Ngayon, 'yan ulit. Kasi nga, hindi siya naka-enroll ngayong pasukan. So, dun lang siya makakapasok. E, hindi naman siya regular school, so nakakapasok siya dun. Still, of course, as a father, okay. But really, believe me, magsisisi ka sa huli. But okay lang 'yan because kung gusto mong dumapa nang plakda, dadapa ka nang plakda, and then you'll learn it the hard way."
tags:
entertainment,Aga Muhlach,Janice de Belen,Charlene Gonzales,celebrities
No comments:
Post a Comment