5.14.2006

Amalia Fuentes

picture of Amalia Fuentes

See Amalia Fuentes' photo gallery.


Si Amalia Fuentes ay isang artistang Pilipino. Gumanap siya bilang suporta ni Gloria Romero sa pelikulang Señorita. Naging ganap na bituin sa pelikulang Rodora at naging ganap na bituin ng Sampaguita Pictures at naging palagiang katambal ni Juancho Gutierrez sa kanilang mga pelikula.

Taong 1957 ng gumawa siya ng pelikula sa Vera-Perez Pictures, isang sister company ng Sampaguita, kung saan itinambal siya kay Romeo Vasquez ang Pretty Boy.

Nagwagi siya ng Gawad FAMAS para sa pinakamahusay ng pagganap ng isang pangunahing aktres para sa pelikulang Ibulong Mo Sa Hangin noong 1966. Nominado din siya sa FAMAS bilang Best Actress para sa mga pelikulang Kulay Dugo ang Gabi (1964), Sapagkat Ikaw ay Akin (1965), O Pagsintang Labis (1967), Kapatid Ko ang Aking Ina (1969), Divina Bastarda (1971), Babae, Ikaw ang Dahilan (1972), Pag-Ibig Mo, Buhay Ko (1973) at Isang Gabi, Tatlong Babae (1974).

Nagpakasal sila ni Romeo Vasquez sa Hongkong pero naghiwalay din sila nang malaunan. Anak nila si Liezl na naging artista rin bago pumunta sa Estados Unidos.

Ang ikalawang asawa niya ay si Joey Stevens, isang Amerikanong businessman na may-ari ng JRS.

Pagkatapos ng pagbagsak ni Marcos, sila ay tuluyan ng tumira sa Amerika.

Si Amalia Fuentes ay tiya nina Nino Muhlach, Aga, Almira at Arlene.

Kapatid din niya ang mga naging artistang si Alvaro at Alex (Cheng) Muhlach.



Articles about Amalia Fuentes


1. Amalia Fuentes versus Joey Stevens



2. Amalia Fuentes Named Joey Steven's Mistress
3. Joey Stevens denied he's 75 but not his affair.

4. Amalia Fuentes talks more about the philandering husband

4. Amalia Fuentes does not love her husband anymore.

Tags:

,,,,,

No comments: