1.24.2012

Vic Sotto, inamin na sila na nga ni Pauleen Luna

HABA ng hair ni Pauleen Luna, it is said na sa gitna ng maraming kontrobersiya, ayan at umamin na si Vic Sotto na sila na nga. This, in effect, would give freedom to Pauleen na magsalita ng kanyang saloobin about the issue.
Tiyak na pagpipistashan ng press ang pag-amin ni Vic at hindi titigil hangga’t ‘di nagpapaliwanag si Pauleen.

Ayaw man ng mga anak ni Vic Sotto kay Pauleen Luna, inamin din ng komedyante-actor na sila na nga ng dalaga. Marahil dahil may sumasakay sa relasyon nila.
Ito ang balita

Ngayong umamin na sila, dapat nang linawin ni Pauleen ang maraming issues surrounding their supposed affair.
Hindi ganoon kadali, ever since kay Bossing Vic ang umamin sa mga babaing nali-link sa kanya. Pero oras na nagsalita ito about the issue, that means handa na niyang ibigay ang pangalan sa babaing inamin niya.
Hindi ba nakahanda nang pakasal sana si Vic kay Pia Guanio at kung hindi lang nagkaroon ng problema sa kanilang relasyon, baka si Bossing Vic ang naging asawa ni Pia Guanio. Ilang taon din naman ang kanilang relasyon.
At sana, si Pauleen na ang huling babae kay Vic Sotto.
Sana at sana pa!

No comments: