1.23.2012

Sarah Geronimo may restaurant na


Mabuti naman at inilalagay sa negosyo ang peran kinikita ni Sarah Geronimo ng kaniyang magulang. Nagbukas ng Pancit Malabon ang ina ni Sarah sa isang nabili nilang gagawin sana nilang tirahan.

Ito ang balita. 

BY the way, ang mother ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine ang mismong nagluto ng iba’t ibang putaheng inihanda sa pagdalaw ng showbiz press people sa Imo’s Best Pancit Malabon.


Napakasarap palang mag-luto ng iba’t ibang putahe ni Mommy Divine, lalung-lalo na ‘yung inihanda niyang pancit Malabon. 


Nalaman namin na ang building na kinaroroonan ng Imo’s ay sariling bahay pala nina Sarah G.

Nabili raw nila ‘yun noon at balak sana nilang gawing tirahan, pero ginawa na lang nilang restaurant para ma-kadagdag sa income nila.

Sa tsikahan with Sarah G, masayang-masaya siya at naibulalas na baka maging single pa rin siya ngayong 2012.

“Maniwala kayo na kahit single ako, I’m not lonely!” anya. “May panahon talaga para sa lovelife, at hindi pa talaga ngayon. Actually, dumarami ang nasa status na tulad ko ngayon -- single, but not lonely!”

Magpapakaabala na lang daw muna sa kanyang showbiz career at resto business si Sarah G.

Teka, alam kaya ng marami na mahilig magluto si Sarah?

In fact, nag-enroll siya sa isang culinary school para matutong magluto at balak niyang gumawa ng sariling mga recipe para sa kanilang Imo’s Best Pancit Malabon.

 source: Journal on Line by Chit Ramos

No comments: