1.23.2012

Tahimik si Kris Aquino sa desisyon ng annulment





Kahit na anong pilit, talagang hindi napagsalita si Kris Aquino sa desisyon ng pagpapawalang bisa ng kasal nila ni  James Yap.


Ito ang balita: 


Napabalitang naibaba na raw ng korte ang desisyon sa annulment ng kasal nina Kris Aquino at James Yap, at na-grant na raw ito.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang abugado ni James na si Atty. Lorna Kapunan, ngunit ayaw nitong magbigay ng sagot.

Sinubukan din ng PEP na kapanayamin si James pero tumanggi itong magsalita.

Ang pagkakaalam ng PEP, hindi puwedeng magsalita ang dalawang kampo kaugnay sa desisyon ng korte, kaya tikom ang kanilang bibig sa isyung ito.

No comments: