1.09.2012

Ang Swerti naman ni Pauleen Luna

Ang swerti naman ni Pauleen Luna kung totoo ngang ipinapagpagawa ng bahay siya ni Vic Sotto. Itinataangi naman ng nanay ni Pauleen ito.


Ito ang balita, 
HINDI matanggap ng mother ni Pauleen Luna ang tsismis na ginagastusan daw ni Vic Sotto ang bahay na ipinapatayo ng anak.
Foul daw ang paratang at lalong walang katotohanan daw na may relasyon ang anak na si Pauleen kay Bossing Vic.
Sabi ng mother dear ng actress/TV host, magkaibigan lang sina Pauleen at Vic. Malaki raw ang tiwala ng mother kay Bossing.
May pera naman daw sila para makapagpatayo ng bahay at hindi makatuwiran na bigyan ng malisya ang pagkakaibigan ng anak at ni Bossing Vic.
Hindi rin daw nagugustuhan ni Bossing Vic na sabihan na hindi naghahanap ng babaeng pakakasalan.
Samantalang itinanggi naman ni Gwen Zamora na inili-link din kay Bossing na dinedma nito ang pagpaparamdam ng TV host/comedian.
Sabi ni Gwen, trabaho lang ang samahan nila ni Bossing at walang personalan. Saka malabong magkaroon daw sila ng relasyon dahil may boyfriend siya ngayon.

No comments: