12.20.2008

Ruffa Mae Quinto - Ang Bida sa Desperadas 2


As promised, Rufa Mae Quinto was billed in starring role in the Desperadas 2. She co-produced the movie with Mother Lily Monteverde. So what's that make Ruffa Gutierrez and Marian Rivera?


Bago ipalabas ang Desperadas 2, ipinakita muna ang trailer ng Civil Status: Single na bida si Rufa Mae Quinto at co-produced ng Viva Films. Tinupad ni Mother Lily Monteverde ang ipinangako sa sexy comedienne sa last and controversial presscon ng Desperadas 2 na tutulungan niyang ma-promote ang pelikula na ikinaluha ng dalaga sa sobrang tuwa.

Dahil sa pangakong tulong sa promo, lalong naengganyo si Rufa Mae na ipagpatuloy ang pagpo-produce ng pelikula. Next in line niya ang remake ng Working Girls at nagtatanong na siya sa press kung sino ang babagay na kanyang makakasama.

Samantala, isa si Rufa Mae sa nag-provide ng laughter sa Desperadas 2 at bawat hirit nito’y matatawa ang mga moviegoers. Aliw na aliw sa kanya ang mga nanood sa premiere night ng pelikula dahil suwabe ang pagpapatawa niya.

Maganda ang team-up nila ni Wendell Ramos na gumaganap na bading niyang ex-husband at Christian Vasquez as her politician lover.

Si Rufa Mae rin ang may pinakaseksi at pinaka­maiksing outfit sa mga kasama. Ang lalim ng plunging neck­line nito at isang dangkal na lang yata ang hemline ng suot na damit at skirt, pero carry niya dahil flawless at maputi ang hitad.


No comments: