12.28.2008

Imbyerna si Lolit Solis sa nanay ni Hayden Kho

Can you blame Lolit Solis if she goes mad with the mother of Hayden Kho. Lolit Solis is just being fed with information from Vicki Belo so she writes whatever is given her to publish.

Ito ang kaniyang inis.

Nakarating sa akin ang balita na nag-i-emote ang mother dear ni Dr.
Hayden Kho dahil naturingan daw na manager ako ng kanyang anak pero
ako pa ang nangunguna sa pagbatikos.

I won't plead guilty dahil uulitin ko ang aking statement, kung ano
ang mga balita na dumarating sa akin, 'yon ang ikinukuwento ko sa mga
readers. Walang nagsasabi sa akin na off-the-record ang mga
ikinukuwento nila kaya kampante ako sa pagbabalita.

Saka, bakit ako ang sisisihin? Ako ba ang naging two-timer? Ako ba ang
un­faithful? Ako ba ang umamin sa TV na nagkaroon siya ng relasyon kay
Katrina Halili? Ako ba ang nag-announce sa buong Pilipinas na
sinubukan ko nang magpakamatay?

Paano ko ipagtatanggol si Hayden eh siya pa nga ang
komportableng-komportable sa pagkukuwento ng mga kasalanan na ginawa
niya? Nakuha ni Hayden na magpainterbyu sa mga TV reporters pero never
niyang naalala na tawagan ako sa telepono para humingi ng payo kung
tama ba ang kanyang gagawin na pagsasalita sa TV. Tapos, ako pa ang
makakarinig ng mga salita na hindi ko siya ipinagtatanggol? Where is
justice in this land? Where is justice talaga o!


No comments: