12.28.2007

SUNSHINE CRUZ, NAG-ALSA BALUTAN

Nakakapanghinayang ang pinagsamahan, ang kasal ng taon na pinagkagastusan na mauuwi lang sa paghihiwalay. Totoo kaya itong balita na nag-alsa balutan si Sunshine Cruz ngayong Pasko dahil sa selos sa isang Brazilian model?

Ito ang balita mula sa PEP.


Nagsimula bilang isang blind item, natukoy ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung sino ang sinasabing celebrity couple na diumano'y naghiwalay nito lang nakalipas na Pasko. Ito ay sina Sunshine Cruz at Cesar Montano.



Mula sa ilang unidentified sources sa showbiz, napag-alaman ng PEP na nilisan ni Sunshine at ng tatlong anak nila ni Cesar ang bahay nila sa Quezon City noong December 26, pagkatapos ng mainitang pagtatalo noong December 24 at 25.



CESAR DENIES REPORTS. Nakausap sa telepono ng editor-in-chief ng PEP na si Jo-Ann Maglipon si Cesar kagabi ng 8:30, upang kunin ang kanyang panig tungkol sa kumakalat na balitang naghiwalay na sila ni Sunshine matapos ng mahigit na pitong taong pagsasama.



Halata sa boses ni Cesar na nasorpresa siya sa tawag ni Ms. Maglipon, pero mariin niyang itinanggi ang mga naglalabasang balita tungkol sa kanilang mag-asawa.



"Oh, one of those tampuhans lang ng mag-asawa ito," pakaswal na sabi ni Cesar. "One-hundred percent ng Filipino couples, nagtatampuhan. Hindi ito naiiba sa 100 percent na 'yan. Tampuhan lang 'yan, no big deal."



Nang ipaalam sa kanya na ang bali-balita sa showbiz ay nagbigay na ng pahayag si Sunshine sa Philippine Star kaya namin kinukuha ang kanyang panig ay nagseryoso na ang tono ni Cesar.



"I would like to be honest. Meron kanya-kanyang version ang anumang tampuhan. Wala akong mabibigay na version ko, and this is to protect my children. Hindi lang ako ang Montano, sila rin. I have my story to tell, pero not now," pahayag niya.



Nang tanungin namin siya tungkol sa balitang nagkaroon sila ng malaking away ni Sunshine noong mismong araw ng Pasko, itinanggi ito ni Cesar. "We were together on the 25th," sabi niya.



Totoong umalis raw ng bahay nila sa Quezon City si Sunshine, pero nagpaalam daw sa kanya ang asawa. Dumalaw daw kasi sa bahay nila si "Mommy Alma," ang ina ni Sunshine, at niyaya si Sunshine sa kanila.



Lalong pinabulaanan ni Cesar ang balitang may third party na involved sa kanilang "tampuhan" ni Sunshine.



"Magkakandahilo-hilo lang sila ‘pag pinatulan nila ang istoryang ito," sabi ni Cesar, na ang tinutukoy ay ang showbiz press. "Kailangang matigil na ito. Kung ilalabas n'yo ‘yan, ‘tapos lumabas ang whole scenario, kayo rin ang magsasabing ‘Bakit?' Wala ito, sa amin lang ito [ni Sunshine]. Wala akong itinatago. Kaya ako nanggagalaiti. Ewan kung diyan masaya ang press. Ang sabihing hiwalay kami!"



Dagdag niya, "The last thing I'm going to do is to have an affair. Si Sunshine, selos-selos lang ‘yan. Hindi ito grabe. It can be contained. It's a waste of time to write about this. Kami pa rin!



"You know me, I'm sober. I'm a health buff. I hate yung magpuyat. I have a sober mind. Hindi ko sisirain ‘yan sa pambababae. Yung magbahay ng babae, mambuntis ng babae, hindi ko gawain ‘yan. Ang dami kong plano sa buhay. Bakit ko sisirain?"



Sa puntong ito, sinabi ng PEP kay Cesar na maaaring sa kanya ay hindi ito grabe, pero para kay Sunshine ay maaaring malaking bagay ito dahil nagpahayag na itong umalis nga siya sa bahay nila.



"Don't you think I'm hurting?" palaban na tanong ni Cesar. "That's a great insult, that's an insult if you think I'm not hurting. This involves my three children. This [story] is stupid, stupid. This is hearsay. It annoys me so bad."



Sa tonong mas mahinahon, idinagdag niya, "Eto na lang, meron akong sasabihin kapag nabasa ko na ang sinabi ni Sunshine. Then, I will tell you my version. But right now, wala ito. This is tampuhan lang."



BRAZILIAN MODEL. Ang dahilan diumano ng paghihiwalay nina Sunshine at Cesar ay isang Brazilian model na lumabas sa TV ad ng Samba corned beef—si Marianna del Rio.



Ayon sa kuwento ng isang PEP source, nakita diumano ni Sunshine ang ilang litrato ng party ng Mano-Mano, ang katatapos lang na programa ni Cesar sa ABS-CBN, at dito raw ay malinaw na magkasama ang action star at si Marianna. Kilala nga raw ng staff ng Mano-Mano ang Brazilian model, at hindi lang daw sa iisang okasyon kasa-kasama ni Cesar ang magandang modelo.



Dahil kasama rin sa mga litrato ang isang matalik na kaibigan ni Cesar, tiniyak daw ni Sunshine na usisain ito. Hindi raw tumigil si Sunshine hangga't di niya napaamin ito. Noong una raw ay panay ang tanggi ng kaibigan ni Cesar, pero nang pagsabihan daw ito ni Sunshine na pupuntahan niya ang misis nito at sasabihing kakuntsaba siya ni Cesar, nagtapat na raw ito.



Ayon sa kaibigan ni Cesar, noon pang Setyembre nagsimula ang pagkahumaling diumano ng action star sa batang Brazilian model, na sa pagkakaalam ng marami ay 16 years old, ngunit sa Friendster account nito ay nakalagay na 19 years old siya.



Matapos nito, tinawagan daw ni Sunshine ang manager ni Marianna, at sinabihan itong ilayo ang alaga niya sa kanyang asawa. Ang panakot diumano ni Sunshine ay magpapa-interbyu siya at sasabihing nirereto ng manager ang kliyente nito sa mga may-asawang maykaya.



Nang lumaon, nakuha rin diumano ni Sunshine ang numero ni Marianna at tinawagan niya ito. Pero laking gulat daw ni Sunshine nang siya pa ang murahin ng modelo sa telepono at sinabihang wala na siyang papel sa buhay ni Cesar dahil hiwalay na siya dito mula pa noong Setyembre.



"SAMBA." Sa isang kaugnay na pangyayari, nabalitaan ng PEP mula sa isa pang source na kumilos nga raw si Cesar para mapaniwala ang batang modelo na siya at si Sunshine ay hiwalay na. Giit ng source, para patunayan diumano ni Cesar na hiwalay na siya sa asawa, dinala nito si Marianna sa Bohol—ang hometown ni Cesar sa Visayas—at ipinakitang wala ni isang litrato si Sunshine sa bahay niya roon. Sabi pa ng source, dinala rin daw ni Cesar si Marianna sa Bulacan—kung saan may resthouse sina Cesar at Sunshine—at ipinakita rin daw na wala ni isang litrato si Sunshine doon.



Ayon sa iba namang source na malapit sa mag-asawa, may code name pa raw si Cesar kay Marianna sa kanyang cell phone—ito ay "Samba." Matatandaang si Marianna ay naging modelo para sa isang corned beef ad na ang tatak ay Samba. Sa television ad nito, nagsasayaw ng seksing samba si Marianna. Liban dito, may ilang beses na rin daw namataan ni Sunshine ang mga text message sa telepono ni Cesar mula kay "Samba." Ang uri raw ng mga text ay: "Honey, where are u?"



DECEMBER 25. Nang kumprontahin na raw ni Sunshine si Cesar noong Pasko tungkol sa kanila ni Marianna ay pumalag diumano ang action star. Bigla raw nitong binuweltahan si Sunshine tungkol sa pagiging sexy star nito noon. Sinabi raw ni Cesar kay Sunshine na magpasalamat siya at pinakasalan pa niya ang aktres kahit na dati itong "porn star." Ito raw ay paulit-ulit pang sinabi ni Cesar. Ito na raw ang ikinagulantang ni Sunshine.



Sabi raw ni Sunshine sa ilang kasamahan, "Inaamin kong nag-bold star ako. Pagkakamali ko iyon. Di ako nakinig sa mga magulang ko. Pero alam ni Buboy [tawag niya kay Cesar] na virgin ako nang nakuha niya ako."



Ayon sa ilang kaibigan ng singer-actress, malungkot ang mukha nito pero walang luha, at malinaw daw ang pagbigkas nito nang sinabing, "Ano ba naman yung mag-sorry siya? I'll forgive him. I love him, e. Hanggang ngayon, I love him. Pero binaligtad pa ako."




Tags:
,,

No comments: