12.18.2007

IAN DE LEON-pinayuhan ng amang si Christopher de Leon

Si Ian de Leon ay pinapayuhan ng ama niyang si Christopher de Leon pag dating sa pag-ibig.

imafeof Ian de Leon


Si Ian ang anak na panganay ni Christopher de Leon sa superstar na si Nora Aunor.

Ito ang balita mula sa PEP.


Masayang sumagot sa mga tanong ang multi-awarded actor na si Christopher de Leon sa presscon ng 2007 Metro Manila Film Festival entry na Banal ng ComGuild Productions kahapon, December 17, sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City.



Isa sa nakumusta kay Boyet ay ang anak niya kay Nora Aunor na si Ian de Leon. Sinabi ng veteran actor na happy siya dahil seryoso na sa pagtatrabaho ang anak. Thankful din daw na nagkasunud-sunod ang project nito sa GMA-7.



Alam ba ni Boyet na nali-link ngayon si Ian sa co-star nito sa Zaido (Pulis Pangkalawakan) na si Diana Zubiri?



"Talaga? Totoo ba ‘yon?" nakangiting tanong ni Boyet. "Good for him. He really needs an inspiration. Matagal na rin siyang walang girlfriend. It's nice! Good! Kung serious na ‘yon, I'm happy for him. Mabait naman ang anak kong ‘yan."



Dagdag niya, "Kilala ko si Diana, maganda siya at mabait."



Tatanungin ba niya si Ian tungkol sa issue?



"Yes, siguro mamaya rin, over a bottle of beer!" natatawa niyang sagot. "Wala kasi akong taping ngayon. Hindi muna ako nagpa-schedule ng taping ng Maging Sino Ka Man para maka-attend ako ng presscon ngayon ng Banal. Every day halos kasi ang taping namin sa ABS-CBN.



"Alam ninyo, apat ang mga anak kong lalaki—si Ian, si Rafael, si Miguel, si Gabriel. Nasanay na akong may dumadalaw na babae sa bahay!" biro ni Boyet.



Hindi pa ba niya nakitang dumalaw sa bahay nila si Diana?



"Hindi pa. Siguro ‘yon ang aabangan ko!" at napahalakhak si Boyet.



Kumusta naman si Ian kapag in love?



Ayon kay Boyet, "Iyon ang problema ko sa anak kong ‘yon kapag in love siya. When he's in love, he's really in love, hindi na niya iniisip magtrabaho. Kung may trabaho siya, nakakalimutan niya ang trabaho niya. Kaya kung minsan, parang gusto kong sabihin sa kanyang 'huwag ka na lang kayang ma-in love para tuluy-tuloy ang trabaho mo.' Pero hindi naman puwede ‘yon.



"Siguro kung totoong mai-in love na siya muli, sana alam na niyang i-control ang puso niya—na kaya niyang pagsabayin ang love and work niya. Na ang ma-in love ay maging inspiration niya sa kanyang work, na lalo niyang pagbutihin ang trabaho niya.


,,

No comments: