12.18.2007

JUDY ANN SANTOS AND RYAN AGONCILLO-SAKAL,SAKALI, SAKLOLO

Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa Sakal, Sakali, Saklolo.

Kadalasan ang mga fans ay hindi approve sa mga nagiging boyfriend o girl friend ng kanilang idolo. ero hindi para kay Juday. Tanggap nila si Ryan Agoncillo. Suportado nila ang kanilang tambalan sa pelikula kaya sila ay muling magbabalik sa Sakal, Sakali at Saklolo angsequel ng Kasal, Kasali, Kasalo.

Ito ang balita tungkol sa dalawa sakaling sila nga ay lumagay na sa tahimik.



Power couple Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo returns to the big screen with the sequel of their critical and commercial success of last year na Kasal Kasali Kasalo—Star Cinema's Sakal, Sakali, Saklolo written and directed by Joey Reyes.



This time, kasal na ang mga characters nina Juday at Ryan at may anak na.



Dito rin umikot ang general question and answer sa presscon ng pelikula kagabi, December 17. One reported fielded an interesting question na kung ano raw ang isang bagay na mapapakialaman ng isa't isa na magpapapigil sa kanila to continue the relationship.



Ryan answered na basta hindi lang daw papakialaman ni Juday ang kanyang hobby na collecting motorcycles at si Juday naman ay cooking.



"Basta ako, I'm willing to compromise everything," sabi ni Ryan. "If she wants to go to a movie, have dinner with friends, be with her family, I will do it. Pero alam niya, basta huwag niya lang akong pahihintuin sa passion ko sa motorcycles kundi away na ito!"



"You can relate naman Dom, di ba," tanong ni Ryan sa co-star nilang si Dominic Ochoa who was also at the press con.



Patuloy niya, "Ito ang passion ko, binata pa naman ako, I want something to be passionate about, this is my hobby."



Okay naman ito kay Juday.



"Tanggap ko naman ito," sabi ng aktres. "Hindi naman namin binalak na baguhin ang isa't isa. Kasi kung pahihintuin ko siya sa motorcycle niya, baka pahintuin niya naman ako sa cooking ko, ay hiwalay na talaga. Saka mabuti nang motorcycle ang sinasakyan ni Ryan kesa iba!"



Sa follow-up question na paano kung may makiangkas daw kay Ryan, lalagyan daw ni Juday ng watusi ang passenger seat, sagot niyang tawa nang tawa.



Another follow-up question na napakalaki ng road statistics ng accident involving motorcycles. Sagot ni Juday, bukod sa responsible driver si Ryan, sinasamahan na rin ito ng matinding dasal.



"Saka sa village niya na lang naman nagda-drive si Ryan kasi wala na rin siyang time. Gusto niya lang na nakikita ang collection niya pagk gising sa umaga at bago matulog sa gabi," kuwento ni Juday.




Related articles:

Personal information about Judy Ann Santos (bio)


1. Judy Ann Santos: Metromanila Film Best Actress
2. Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo baka raw ikakasal na
3. Judy Ann Santos Galit sa Katrayduran ni Direk Joyce Bernal

4. Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa Sakal, Sakali, Saklolo.


,,

No comments: