9.08.2007

In this Corner of the Universe-Vilma Santos kasama sa pinarangalan

Talagang hindi maawat ang pagsikat lalo ni Ate Vi. Kung ang ibang kasabayan niya ay matagal nang nagpapahinga, siya naman ay rumaratsada pa rin at ngayon naman ay sa public service.

Ito ang balita tungkol sa tinanggap niyan parangal mula sa People Asia Magazine.

Kabilang si Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa binigyan ng parangal ng People Asia magazine bilang isa sa mga Women of Style and Substance. Ginanap ang awarding ceremony noong Huwebes, September 6, sa Hotel Intercontinental, Makati City.

Para kay Gov. Vi, isang malaking karangal ang mapabilang sa mga kababaihan na namumukod-tangi ang kahusayan at katalinuhan sa kani-kanilang larangan. Kasama niyang pinarangalan bilang Women of Style and Substance sina Senator Loren Legarda; beauty expert Vicki Belo; actress-TV host Toni Gonzaga; race driver Gaby dela Merced; singer Sitti; lifestyle columnist Millet Mananquil; restaurateur Gaita Forres; lawyers Katrina Legarda and Rowena Bengzon; socialites-philanthropists Lizzie Zobel and Margarita Delgado; and news personalities Korina Sanchez, Vicky Morales, and Tintin Bersola-Babao.

"Hindi ko ito inaasahan at nagtataka nga ako kung bakit isa ako sa pinili nila," nakangiting pahayag ng actress-politician sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kung anuman ang reason na ‘yon, malaking tulong ito sa katayuan ko ngayon bilang governor ng Batangas. Nagpapatunay lang siguro na bilang isang babae, kaya natin ang kahit na anong
trabaho. Maliit man o malaki, patuloy ang paglilingkod natin sa bayan."



No comments: