9.17.2007

In this Corner of the Universe-Joey de Leon-Nagbakasyon sa Star talk

Walang katiyakan kung kailan babalik sa Startalk si Joey de Leon dahil nasaktan ito sa latest move ni Consoliza Laguardia, Chair ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board).



Ipinatawag ni Laguardia sa MTRCB office noong Huwebes, September 13, ang mga representatives ng Startalk dahil hindi niya nagustuhan ang patuloy na paglalabas ng naturang programa ng mga kuwento tungkol sa feud nina Joey at Willie Revillame.



Matatandaang pumasok sa issue ang MTRCB noong August 31 at nakipagpulong sa dalawang hosts para matigil ang alitan ng mga ito, na napapanood ng madla sa telebisyon. Nagbitaw si Willie ng apology noong September 4, pero hindi ito tinanggap ni Joey.

Ang buong balita sa PEP.

No comments: