9.07.2007

In this Corner-Camille Prats ay Buntis sa United States

Talaga nga naman anoh. Kaya pala lumipad sa United States ay para manganak.
Ayon sa balita sa PEP, Inamin ng ina ng artistang si Camille Prats na buntis ang anak niya at ang ama nito ay ang boyfriend nitong magdadalawang taon. Pinabulaanan na si Paul Soriano na boyfriend ngayon ni Toni Gonzaga ang ama ng bata.

Ito ang balita mula sa GMa7.



Sa kasalukuyan ay nasa Los Angeles, California na raw sila ni Camille, na umalis ng Pilipinas noong Wednesday, September 5.

Diretso na kaagad tinanong ng PEP si Mommy Alma kung ano ang katotohanan sa kumakalat na balitang buntis si Camille kaya pansamantala muna itong magpapahinga sa kanyang showbiz career, na taliwas sa unang pahayag ng young actress na mag-aaral muna siya sa Amerika.

Hindi naman nagkait ng kasagutan ang ina ni Camille. Agad nitong inamin na totoo ngang nagdadalang-tao ang nakababatang kapatid ni John Prats.

Ayon kay Mommy Alma, "Four months na ang pagbubuntis niya. So, malamang na dito na rin siya sa US manganganak.

Samantala, pinabulaanan naman ni Mommy Alma ang kumakalat na balita na ang young director na si Paul Soriano ang ama ng ipinagbubuntis ni Camille.

Matagal na raw nag-break sina Camille at Paul, na ngayon ay kasintahan na ni Toni Gonzaga.



,,

No comments: