6.02.2007

In This Corner of the Universe-Rosanna Roces Inaaresto

Akala ko ba ATAPANG A TAO si Rosanna Roces. Pag may warrant of arrest na, takbo rin pala siya. Uhum.

rosanna roces at celebrities corner



Hindi pa pala nagtatapos ang kaso ni Rosanna Roces at ni Vicki Belo. Sa aking blog,
Vicki Belo, Kris Aquino at Rosanna Roces sinabi ni Vicki Belo na pinatatawad na niya si Osang . Ang hindi niya sinabi, hindi siya pinatatawad ng korte pag hindi siya sumisipot.


Ito. basahin ninyo ang parte ng balita kung paano siya umiwas sa mga nagaaresto. At ako ay matutulog naman.




For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Bandang alas-dose ng tanghali kanina, June 1, ay pinuntahan ng tatlong pulis ng Quezon City ang bahay ng dating sexy star na si Rosanna Roces. Dala nila ang isang warrant of arrest na in-issue ng korte para dakpin ang aktres.

Nakipag-uganayan na rin daw ang arresting team sa pamunuan ng subdivision na kinaroroonan ng bahay ni Osang.

Ayon kay PO1 Arthur Aquino, naging maayos naman daw sa una ang pagdating nila sa bahay. Natutulog daw si Osang, ayon sa mga nakausap nila, kaya't minabuti daw nilang maghintay.



"Pinapasok kami nung nanay at kapatid, tapos 'yong sekretarya hinarap kami. Ang sabi kukunsultahin daw 'yong lawyer nila," pahayag ng arresting officer.



Kasama ng arresting team ang dalawang associates ni Atty. Raymund Fortun. Makikipag-usap daw sana sila kay Osang para siputin na nito ang hearing ng libel case na isinampa laban sa kanya ni Dr. Vicki Belo.



"Supposedly Ms. Rosanna Roces should have attended her pre-trial conference last May 23, 2007. However, she failed to attend so the court was constrained to issue a warrant for her arrest and the forfeiture of the bail bond she posted," ani Atty. Glen Albano.



Matapos ang dalawang oras, lumabas mula sa loob ng bahay ang nagpakilalang sekretarya ni Osang. Bigla itong nagalit dahil nakita nito ang camera ng GMA-7 News sa labas ng bahay. Bigla rin nitong binawi ang naunang sinabi na natutulog ang aktres. Wala raw sa bahay si Osang. Pinalabas din niya ang mga pulis na noo'y naghihintay sa garahe. Tinarangkahan na niya ang gate sa puntong ito—senyales na hindi na siya makikipag-usap pa.





Tags:
,,,,,,,,

No comments: