6.27.2007

In this Corner of the Universe-Kris Aquino Lumabas sa Programa ni Lucy Gomez sa GMA7

Dear Kris Fans,

O di sumagot si Kristeta sa isyung mataas ang talent fee ni Ruffa Gutierrez ha.
Pero lumabas naman si Kris sa programa ni Lucy ang asawa ni Richard Gomez.

Ito ang balita mula sa Journal Online.


IDENTIFIED si Kris Aquino sa ABS CBN kaya marami ang nagulat nang lumabas ito sa The Sweet Life na napapanood sa QTV 11, Monday to Friday, 6:30-7:30 p.m. hosted by Lucy Torres with Wilma Doesnt at lifestyle correspondent Grace Lee.

Ang QTV ay sister company ng GMA 7 na mahigpit na kalaban ng Dos. Kaya nakarinig kami ng patutsada nag-over da bakod na raw si Kristeta sa Siyete.

Pagtataray naman ng kaibigan naming reporter: Ano raw ba ang bago kay Kris? Kapag gusto raw nito na umapir kahit saang TV station ay walang makakapigil dito. Anyway, sa taping ng TSL, nalaman namin na hindi raw matanggihan ni Kristeta ang kaibigang si Lucy kaya nagpaunlak ito na lumabas sa show.

Ibinulgar ni Kris sa show ang tungkol sa kanyang post pregnancy wardrobe and the baby clothes she has for baby James.

Naikuwento rin ng controversial TV host/actress ang experiences when baby James was baptized na hindi napanood sa anumang TV network at ipinakita rin ang kanilang baby scrapbook.

Kasama ni Kris sa show si Mark Herras na binansagang bad boy ng dance floor at ikuwento naman nito ang tungkol sa kanyang latest love.

Marami pang ibinulgar ang dalawa sa show na mapapanood sa Friday evening



Laughingly yours,

uploaded by starsinamillion.blogspot.com



,,,,,,

No comments: