6.29.2007

In this Corner of the Universe-Angelo Locsin, aalis na sa GMA7

icture of Angel Locsin at starsinamillion.blogsot.com

Dear Angel Locsin Fans,

Mas mabuti nga kaya ang umalis si Angel Locsin sa GMA7? Ano sa palagay ninyo?

Ito ang balita.

Nag-usap na raw ang management ng Channel 7 at ang man­ager ni Angel Locsin, at matapos ang pag-uusap na ‘yon ay mukhang luma­labas ngang soo­n­er or later ay aalis na si Angel sa GMA Network dahil mukhang ayaw na rin niya noong co-mana­gement deal ng network sa kanya.

Sa totoo lang, mali naman talagang em­ployer mong net­work, ang siyang nag­ma-manage din ng ca­reer mo. Dahil sino nga ba ang magbibigay sa iyo ng proteksyon? Alin ba ang mas pahaha­la­gahan, ang kapa­ka­nan ng artista o ang pa­ki­na­bang ng net­work?

Sinasabi nga nila, kung hindi ka hawak ng network, walang mang­yayari sa career mo da­hil hindi ka bibig­yan ng assignment. Pero kung hawak ka nila, sino na­man ang magbibigay ng proteksyon sa iyo at sa kapakanan mo?

Natural puro kabig nila ang gagawin nila, at totoo ‘yan sa lahat, hindi lang naman sa GMA.


,

1 comment:

jodelle said...

huh! kung totoong aalis si angel locsin sa GMA naku! napakaingrata talaga niya kung ganun...huh! pagkatapos ng lahat ng pag aaruga ng GMA sa kanyang career ay basta ganun na lang, aalis siya dahil nagkapangalan na siya in showbiz industry. hay naku angel think seven times before you leap into the other backyard kung hindi baka ikaw rin ay ma 'KARMA". isipin mo, kung hindi dahil sa GMA7, hindi ka magiging angel locsin ngayon. Did u get my point? kaya hinay hinay lang day. kasi baka pag lipat mo sa ibang bakuran ay magiging parang basang sisiw ka na lang.
Nagtataka talaga ako sa tao, bakit ba karamihan sa atin ay mga discontented and ungrateful? Is it hard to be contented and peaceful?