3.05.2007

In this Corner of the Universe, Piolo and Erik -totoo ba?



Pinadala sa akin itong retrato ng isang Piolo fan na may kalakip na SABIHIN MONG DI TOTOO.

Eh tanong ninyo naman kung bakit pinadala sa kin at bakit AKO PA. Ahber?
Kasi mga ache, ako ay taga San Francisco kung saan naroon ang Golden Gate na kinunan ng picture na ire.

Ako ay San Franciscan sa accent,sa isip at sa pagdadamit. Kaya alam ko na kutis kalabaw na lang ang makikita mong lalabas na walang jacket, sweater o blazer sa SF.

Kita mo si Papa Piolo, ekk, nakapolo lang ? Sa San FRancisco at lalo na sa Golden Gate? Kita ninyo ang fog sa itaas ng Golden Gate ? Brrr. lamig niyan. Ano siya nababaliw na walang jacket samantalang si Erik ay nakajacket? Isa pa bakit puti ang suot ni Erik sa ilalim ng kaniyang jacket, pero pagdating sa kamay niya ay brown na
probably sa turtle next soft shirt yon. Hindi puwedeng cuffs ng jacket niyang itim yon. Kahabang cuffs naman yan kasi nasa siko na niya ang karugtong na jacket.

Sa dami ng mga kakilala, kamag-anak na bumisita sa kin at ipinasyal ko sa Golden Gate sa San Francisco, alam ko kung saan sila dadalhin para magulo ang buhok nila sa hangin na para bang nakakita sila ng multo. Huling dinala ko doon, ginamit ang plastic bag para huwag masyadong magulo ang buhok niya. Ako kasi naka beretpara di magulo buhok ko.

Isa ang lugar na na sa picture. Nakita ninyo ang buhok nilang dalawa. Siguro isang katutak na GEL ang inilagay ano? Ni hindi nilipad ng hangin?

Si retz na isang photoshop expert nakita naman ang sobrang fingers ni Erik at tatlong fingers ni Piolo.

Kaya pwede ba tantanan ninyo ang mga photoshopping ninyo. Magwindow shop na lang kayo.

,,,

1 comment:

stormy said...

naku correct ka sis...