12.27.2006

Metromanila Film Festival Parade Webcast

Ay oo mga acheng, nakuha ko ang link na ito at gusto kong i-share sainyo lalo na yong hindi nakapunta at gustong makita kung ano ang nangyari sa coverage ng Metromanila Film Festival. Kumuha kayo ng pop corn at isang litrong Coke. Bigyan ng malaking boteng gatas si Baby para di umatungal at manood sainyong computer o laptop.

Sey mo, di mo na kailangang makipaggitgitan at makipagblayahan para lang makita ang mga ta-artits na inyong paborit. Ito pakiklik na lang para bulagain kayo ng media player.

Metromanila Film Festival Parade webcast

Kapag hindi ninyo nakita, reklamo kayo sa akin at kakatukin natin sila.

O hige, panood na at ako naman ay maghahanap nang maititsismis.

Baboo.

,,

No comments: