8.28.2012

Walang sakit si Eddie Garcia


Isa si Eddie Garcia sa nangangalaga no kaniyag katawan kaya ang balitang pumunta siys ds doktor ay para lang sa kaniyang executive-chek-up. Ito ang balita. 

Walang dapat ikabahala ang fans ni Eddie Garcia dahil maayos na maayos ang kalusugan niya.
Kumalat kahapon ang balita na may sakit si Papa Eddie kaya may-I-call sa kanya ang isang kaibigan na entertainment writer dahil sa blind item na lumabas dito sa PSN.
Ang sey ng veteran actor, nagkaroon lamang siya ng executive check up kaya hindi dapat mag-alala ang mga supporter niya.
Isa si Papa Eddie sa mga veteran actor na marunong mag-alaga ng katawan kaya kahit 80-plus na ang kanyang edad, matikas na matikas pa rin ang pangangatawan niya. Role model nga si Papa Eddie ng maraming aktor na bilib na bilib sa disiplina niya sa katawan. 

No comments: