11.29.2011

Pops Fernandez, businesswoman na dahil sa isang Papa Hunk


Matagal nang nagiging usap-usapan ang pagiging business woman ni Pops Fernandez, pero hindi dahil siya ay naghihirap na kung hindi may maluho siyang boy friend na bata.

Ito ang balita. 

CERTIFIED businesswoman na pala ang ating Concert Queen na si Pops Fernandez. Base sa balita ay nakikita raw ito sa Congress at nagbebenta ng isang uri ng chemical na pangontra sa Dengue. Pagkatapos nasulat naman sa isang Panghapong tabloid (hindi sa Remate) na nagdedesign na rin daw ng gown si Pops at ang specialty nito ay wedding gown na kanyang ibinibenta sa halagang 15,000. At dahil kilala siya ay maraming buyers ang singer-actress turned enterpreneur.

Anyway, roon sa mga nagsasabing laos na si Pops, hindi pa rin naman daw dahil mabenta pa rin naman ito sa mga corporate shows at shows sa abroad at provinces. Pero bakit ba kailangang kumayod pa nang kumayod ni Pipay (palayaw ni Pops)? Well, may batang-batang non-showbiz hunk Papa raw itong karelasyon na ang sabi ay masyadong maluho raw. Naku! Kaya naman pala hindi feel ng mga anakis nito na sina Robin at Ram ‘yung lalake sa buhay ngayon ng kanilang mother dear ay dahil hustler pala ito. Pero wala
naman silang magawa dahil labs na labs nga raw ito ng kanilang Mommy Pops.

No comments: