11.11.2011

Lito Calzado namatay sa cancer


Tahimik lang ang pamilya ni Lito Calzado nang nagkasakit ito ng cancer. Saka lang nalaman ng karamihan ang kaniyang sakit nang siya ay mamatay.


MANILA, Philippines - Sumakabilang-buhay na ang ama ni Iza Calzado kahapon, Nov. 11, ng hapon.

Ito ay unang ibinalita ng talent manager ng Kapuso actress na si Noel Ferrer.  
Si Lito Calzado, na isang direktor at dating choreographer-dancer, ay matagal nang may sakit na liver cancer bago tuluyang bumigay sa naturang karamdaman. Pumanaw siya sa edad na 65.

Makikita ang mga labi ni Direk Lito sa Arlington Chapel.
Si Lito ang direktor ng Walang Tulugan with Master Showman na prog­rama ni German Moreno.

Matagal din siyang naratay sa hospital bago tulu-yang binawian ng buhay.
Nanahimik si Iza sa matagal nang sakit ng kanyang ama.

No comments: