6.18.2010

Kris Aquino at James Yap nag-aaway na naman

 May domestic problem na naman sa Aquino-Yap abode. Hindi na nga naman siya nagsasalita, sa twitter naman niya lahat sinasabi. Ang tinutukoy ko ay si Kris Aquino.


Very active sa pag-update ng kanyang Twitter account ang television host na si Kris Aquino para ipaalam ang kanyang mga activities. At sa kanyang tweet nitong Miyerkules, inamin ng ‘First Sister’ na nagkaroon sila ng matinding hindi pagkakaunawaan ng kanyang mister na si James Yap.


Sa kanyang tweet, sinabi ng sikat na TV host na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni James nitong kampanya sa katatapos na eleksiyon, kung saan tumakbo at nanalong pangulo ang kanyang kuya na si President-elect Benigno “Noynoy" Aquino III.


“To answer one of your tweets re james. We went through a difficult time during the campaign- stress & long hours led to a big misunderstanding," pahayag ni Kris sa kanyang Twitter account.


“I have never lied to all of u- until now hindi pa completely na-fi-fix. That's y I've just chosen to keep quiet since it's something very private," patuloy niya.


Nitong panahon ng kampanya, may mga follower ng bunsong kapatid ng bagong halal na pangulo ang nakapuna at nagtanong kung bakit silang mag-iina lamang (with Joshua and Baby James) ang nalagay sa profile picture sa kanyang Facebook account.


Matatandaan na nasangkot sa kontrobersiya si Kris noong Enero dahil sa pagsugod umano nito sa bahay ng isang babae sa tinitirhan nilang subdivision sa Pasig. Sinasabing ang babae ay masugid na fan ng kanyang asawa na si James, na sikat na professional basketball player.


Itinanggi ni Kris na inaway niya ang babae pero inamin niya na dumadaan sa pagsubok ang pagsasama nila ni James. Itinanggi naman ni James na nakikipagrelasyon siya sa ibang babae.


Sa buwan ding iyon (Enero) ay inihayag ni Kris na kailangan niya ng “space" mula sa kanyang asawa kaya umalis ito sa kanilang bahay at pansamantalang tumira sa bahay ng kanyang kapatid.


Ngunit bago nagsimula ang kampanya nitong Marso, sinabing nagkasundo na ang mag-asawa at may pagkakataon pa nga na magkasama silang umiikot sa ilang lalawigan para iendorso ang kandidatura ni Noynoy.


Working mom


Sa hiwalay na tweet ni Kris, makikita ang pagiging abala ng TV host sa pag-asikaso sa kanyang dalawang anak at pagtulong sa mga kabataan sa pamamagitan ng pamimigay niya ng school supplies sa iba’t ibang bahagi ng bansa.


Bukod sa kanyang lalawigan sa Tarlac, ipinaalam ni Kris na nakapagbigay din siya ng mga ipinangakong school supplies sa Ormoc, Leyte na tinanggap ni Congresswoman-elect Lucy Torres-Gomez, at asawa nitong si Richard Gomez.


Sa isa pa niyang tweet noong Martes, ikinuwento ni Kris ang paghatid niya sa panganay na anak na si Josh, kasabay ng paglalahad na mahirap maging “working mom" para sa kanyang mga anak.


“Josh's turn na ihatid ko. My taping will be from 3 PM to 3 AM so I can sleep when I get home. Mahirap talaga to be a super busy working mom- but my children do come 1st," ayon kay Kris. “I need to work hard para they can get the best possible schooling but I need to make sure I'm also physically present sa lives nila! Thank God na lang I'm always the 1st person they look for & long to be with!"


Excited ding ipinaalam ni Kris ang unang araw ng pasok ng kanyang bunso na si Baby James noong Lunes: “On our way to baby james' 1st day of school. He's so cute. Ang outfit nya may little necktie!"


Una rito, inihayag ni Kris na magbabawas siya ng trabaho sa showbiz para tumulong sa programa ng kapatid na si P-Noy at makaiwas sa mga kontrobersiya. -

No comments: