6.30.2010

James Yap wala sa inauguration ni Noynoy Aquino

 Pinagbawalan ba si James Yap o talagang di na lang sumipot? Magiging awakward nga kung dadalo pa siya dahil sila ang pagtutuunan ng pansin ng mga tao.



Nakasuot ng dilaw na dilaw na gown, dumalo ang kontrobersiyal na television host na si Kris Aquino sa inagurasyon ng kanyang kapatid na si Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III, na hindi kasama ang asawang si James Yap.

Sa nakaraang panayam kay James, tiniyak ng sikat na basketball player na dadalo siya sa inagurasyon ni Noynoy sa kabila ng naging pahayag ni Kris na para sa kanya ay tapos na pagsasama nila ng kanyang asawa.


Kasama ni Kris na dumalo sa inagurasyon ang tatlong-taong-gulang na anak nila ni James na si James “Bimby" Yap Jr., na nakasuot ng kulay dilaw na barong.


Sa panayam ng
GMA News.TV kay Rene Pardo, incoming chairman ng Philippines Basketball Association (PBA), sinabi nito na hindi nakapunta sa inagurasyon ni Noynoy si James dahil dumalo ito sa practice ng kanyang team na B-Meg Derby.

Itinuturing importante ang susunod na laban ng B-Meg kontra sa San Miguel dahil simula na ito ng semi-finals sa liga.

No comments: