10.26.2008

Gabby Concepcion in the THE BUZZ


Gabby Concepcion was the first actor to be put on a hot seat Sunday during “The Buzz’s Tough 10” questions asked by host Kris Aquino.

During the “Tough 10” questions, Concepcion answered a rumor about his alleged relationship with Pops Fernandez as well as his upcoming “date” with daughter KC Concepcion.

He also provided details on how he and former wife, actress Sharon Cuneta, have settled their differences.

Below are the top 10 hard questions and Concepcion’s responses.

10. It's your birthday on November 5, ang hinihingi mo na gift [kay KC] a badminton date? Why?

It can be any kind of date ang sabi ko madalas kaming maglaro, ang sabi ko ang pinakamagaling na panahon na magkita kami sa badminton court. May quality time kami. Sa sports naman.

9. Ilan sa mga naka-relasyon mo sa buong buhay mo ang taga-showbiz? 12-50?

Pinakamababa lang.

Around 12? Mga ganoon lang siguro.

8. Sa mga artistang naka-relasyon mo, sino ang pinakainiyakan mo?

Hindi ko alam. Meron akong memory lapse.

7. Babalik ka na nga ba sa Amerika pagkatapos ng "Iisa Pa Lamang"?

Hindi ako babalik doon. Pupunta ako ng Europe. Siguro kung pupunta ako ng Amerika, bakasyon lang.

[Sa Europe], it's for Channel 2 also. TFC, yes. Sa Italy kami pupunta. Isang araw lang kami doon tapos babalik din kami dito. Tapos pupunta kami ng Amerika para makasama ko 'yong mother ko ‘tsaka mga kapatid ko kasi ito ang first Christmas na wala si Daddy. [Sa January], nandito na ako noon.

6. May pagsisisi ka ba sa naging desisyon mo na bumalik sa showbiz?

Wala. May dahilan kung kung bakit ako bumalik dito sa Pilipinas at maganda na bumalik ako dito sa Pilipinas dahil merong pagbabago na dapat sigurong mangyari.

5. Kung ikaw pagpipiliin sinong gusto mong maging leading lady sa comeback movie mo?

Marami kasi. Hindi ko pa alam. I know na magandang makasama si Claudine (Barretto), si Lorna (Tolentino), Anne Curtis, Bea (Alonzo), Judy Ann Santos. Marami akong pwedeng banggitin, sana 'yong hindi ko mababanggit kasama din sila.

4. Nagkaroon ba kayo ng relasyon ni Pops Fernandez?

Narinig ko na yan. Magkaibigan na kami. Siya ang aking adviser pagdating sa concerts, mga singing. Hindi pa kami kumakanta noon magkasama na kami so siya ang nag-a-advise sa akin. Maraming advise na nabigay sa akin si Pops.

(On Fernadez's boyfriend Jomari Yllana), nagpunta sila sa wake ng daddy ko.

3. Nagkaayos na ba kayo ni Sharon Cuneta?

Nagkaayos na kami. Magkaibigan lang kami. Okay na kami. Nag-uusap na kami. Noong namatay ang dad, tinext ko siya sinabi ko, 'kamamatay lang ni Dad.' Nagtext siya, nagtext din ako. Sabi ko nahihirapan akong magtext so tinawagan ko na lang at nag-usap na kami.

Everything is timing. Ito na ang time.

2. May kinalaman ba si (daughter) KC sa pagbabati ninyo o desisyon ninyong dalawa ito?

Walang kinalaman si KC although madalas kami ni KC na nagkikita, nag-uusap. Pero kung may kinalaman siya dito hindi ko alam pero hindi siya 'yong unang tumawag para mag-usap kami.

1. Matapos ang mahabang panahon, masasabi mo ba sa puso mo na tapos na ang lahat ng gulo sa pagitan ninyo ni Sharon Cuneta?

Oo tapos na. Maganda nga itong nag-uusap na kami. In fact, para sa akin matagal nang tapos na iyon. Timing lang ang hinihintay para magkausap kami.

Meron kaming pinagdaanan. We had happy times together. I know she has a family now, I have a family now. I'm happy now and I'm sure she's happy now and I hope we maintain our relationship and I hope we're both happy until the day we die.

Maganda kung gagawa kami ng pelikula. Maganda 'yon bakit hindi? Anytime. Maganda din magkasama kami ni KC, kaming tatlo pero 'yon ang isang malaking panaginip na sana mangyari one day. Pwedeng kaming dalawa lang, pwedeng kaming tatlo... it's not our call. the sign will probably have to come from... I hope the Lord will give us that opportunity.

source: ABS CBN

No comments: