3.05.2008

LOLIT SOLIS DEFENDED LANI MERCADO'S SNUBBING OF RUFFA GUTIERREZ

celebritiescorner

Syempre, ipagtatanggol ni Lolit SOlis ang talent niyang si Lani MErcado tungkol sa snubbing incident.

Ito ang balita:

Hindi na napigilan ng talent manager na si Lolit Solis ang tumahimik lamang tungkol sa isyu ng isnaban sa pagitan ng alaga niyang si Lani Mercado at ni Ruffa Gutierrez.


Noong Linggo, March 2, ay nagpahayag si Ruffa sa The Buzz ng kanyang pagkadismaya sa diumano'y hindi pagpansin sa kanya ni Lani noong birthday party ng SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante.

Ayon sa kuwento ni Ruffa sa interview ng The Buzz, "Alam mo naman ako, forever Miss PR. ‘Hi, hello.' So, siyempre kiss ako. ‘Hello, Senator. Hello, Lani.' Siyempre nakaganun yung lips ko , ‘Hello.' Tapos bigla akong tinalikuran."



Patuloy niya, "She left my poor perfect pouty lips in the air na like that. Siyempre, napahiya naman ako, di ba? My God, in-ignore ako! Ano kaya ang ginawa ko? And then, ‘pag ganun [paghalik] ko, she just turned around, tinalikuran and then she left. Sabi ko, ‘Donita [Rose], nakita mo ‘yon? What did I do? Bakit niya ako tinalikuran?"


Sa kabilang banda, pinili naman ni Lani ang manahimik na lang ukol sa isyu upang maiwasan na ang paglaki nito.


LOLIT'S REACTION. Ngunit hindi nagpaawat ang TV host-columnist sa pagbibigay ng kanyang opinyon. Bilang sagot sa mga naging pahayag ni Ruffa, kinapanayam ng entertainment columnist na si Ogie Diaz sa kanyang showbiz radio program na Wow, Ang Showbiz! ang talent manager na si Lolit. Siya ang humahawak sa showbiz career ng mag-asawang Bong Revilla at Lani Mercado.

Ayon sa interview kay Manay Lolit, na nailathala rin sa People's Journal ngayon, March 5, sinabi niya, "Ang ipinagtataka ko lang, ba't kailangang maging obligasyon ni Lani ang batiin ang kahit sino? Ang mga na-link sa asawa niya, eh, siya ang legal wife?

"Hindi pa ba sapat na civil lang si Lani at kailangan talaga, makipagplastikan yung tao sa mga nali-link sa asawa niya, sa mga sumasabit-sabit na babae kay Bong?"

Dagdag pa ni Lolit, nalaman pa raw tuloy ng publiko na naging magkarelasyon noon sina Ruffa at Bong dahil sa paglabas ng isyu na ito.

Aniya, "'Day, sa totoo lang, hindi si Lani ang nagpalaki ng isyung ito, sila. Kung hindi sila kumibo, hindi sila nag-react, deadma, di ba?

"Ngayon, nagre-react sila dahil inisnab daw ni Lani si Ruffa, nalaman ngayon ng mga tao na may nakaraan pala si Ruffa at si Bong. Dati ba, may nasulat na naging sina Bong at Ruffa? Wala naman, ah? Kaya si Lani, tahimik lang.

"Hindi siya dapat mag-react, dahil siya ang legal wife!" mariing sabi ni Lolit.

Nang tanungin kung baka posibleng maging dahilan pa ito ng pag-aaway nila ni Annabelle Rama, ina ni Ruffa, ang matapang na sagot ni Lolit, "Naku, 'pag nakita ko si Annabelle, sasabihin ko rin sa kanya na ang daming babae ang sumasabit-sabit sa asawa niya [Eddie Gutierrez] no'n, kaya 'pag tumatalak siya, naiintindihan siya ng mga tao, dahil siya ang legal wife!"


Surceof news

No comments: