3.04.2008

KRIS AQUINO, PREGNANT?

It seems, Kris is enjoying her married life after last year's Hope scandal. She and husband are always taking time out for themselves to bond with or without the kids.

So a probable news of another stork visit is welcomed in the family.

Here's the excerpt of the news from GMA7.

Usap-usapan ngayon sa loob at labas ng show business ang diumano'y muling pagbubuntis ni Kris Aquino. Ilang araw nang umiikot ang balitang ito—na nagsimula sa isang blind item dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal)—pero walang anumang pahayag ang TV host-actress.

Kasalukuyang nasa Phuket, Thailand, si Kris kasama ang kanyag mister na si James Yap. Silang dalawa lang ang umalis as part of their bonding moment. Naiwan ang mga anak ni Kris na si Joshua at Baby James sa kani-kanilang mga yaya at staff. From Phuket, didiretso ang mag-asawa sa Bangkok.

Umalis sina Kris at James kahapon, March 3, isang araw pagkatapos ng championship game ng Purefoods at Sta. Lucia sa PBA last Sunday, March 2. Second place ang team na kinabibilangan ni James, ang Purefoods.

Babalik sina Kris at James on March 10.

After a week, posibleng bumalik ang mag-asawa sa Phuket o di kaya ay sa Hong Kong na paborito ni Joshua. Kung anuman ang mapagdesisyunan ni Kris pagbalik nila ni James sa Thailand, doon na magbabakasyon ang pamilya ni Kris sa Holy Week. Bakasyon daw kasi talaga para sa pamilya ni Kris ang buwan ng Marso.

This Friday, March 7, maku-confirm kung buntis nga o hindi si Kris. Kapag hindi raw siya dinatnan this Friday ng kanyang monthly period, 'tsaka lang makukumpirma kung may kasunod na nga si Baby James
.


,,,,,,,,

No comments: