3.15.2008

Claudine Barreto tinanggi na pinaalis niya ang Anghel sa kaniyang dressing room


Ay pinagtanggi-tanggi ni Manay CLaudine na may pinalipad siyang anghel sa kaniyang dressing room ha.

Isa dahil daw wala namang Anghel sa dressing room nya.

Eh bakit kaya may issue? Sinong sumasakay kanino? sige pwede na ninyong sampalin ang katabi ninyo. Ahahay.



NO ANGEL IN DRESSING ROOM. Kasunod ng isyung demanda ng dating P.A. ni Claudine ang paglabas muli ng intriga sa kanila ni Angel Locsin. Takang-taka si Claudine kung bakit may isyu na pinaalis niya ng dressing room sa ASAP si Angel.

"Hindi totoo yun. There was never a time na nagkasama kami sa ASAP at nag-share ng dressing room. Kung may event man na nagkasama kami, that was nung Christmas special pa ng ABS-CBN sa Meralco Theater. But that was a long time na. Bakit ngayon lang [lumabas]?

"And during that time, may iba talaga akong kasama sa dressing room, sina Bea [Alonzo]... Kristine [Hermosa]... yun. Pero bakit ASAP?

"‘Tsaka wala sa personality ko naman ang magpaalis ng tao," malungkot na pahayag ni Claudine.


Hindi siguro siya kagaya ng kapatid niyang si Greta na nabalitang may pinaalis na matanda sa elevator. Totoo kaya yon o tsismis na may-ari ng building pala yon?

Kapag nagge-guest naman daw siya sa ASAP, nire-request niya talaga na solo siya sa dressing room dahil marami siyang laging kasama. At minsan, dinadala pa niya ang kanyang anak kapag may guesting siya sa ASAP. Unless kapag marami talagang artista at kulang na ang dressing room, okey lang sa kanya ang may ka-share.


Ibig bang sabihin nito talagang ayaw niyang may kasama sa dressing room, kaya may pinaalis siya? Malolowka ako.

Na-meet na raw niya si Angel and she's a sweet and nice person naman daw, ayon kay Claudine. She's even looking forward na makatrabaho si Angel sa ABS-CBN.


Naku ha, totoo yan ha.


,,,,

No comments: