2.20.2008

GRETCHEN BARRETO'S ANOTHER KISSING SCENE

Is this another publicity gimmick or not. The people involved are closed to home.

read the news from PEP.

ricky yabut

Pasok ngayon si Ricky Yabut. Nakarating sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang balitang noong February 10, nakita sa upscale resto-bar na Nuvo, sa Greenbelt 2, Makati City, si Ricky Yabut at ang date nitong si Rachel Anne Wolfe. Ngunit nang gabi ring iyon, nakita si Ricky na “kahalikan" si Gretchen Barretto.

Si Ricky ay brother-in-law ni Tonyboy. Kapatid nito si Denise “Nise" Yabut, asawa ni Tonyboy, na hanggang ngayon ay hindi pa naghihiwalay legally kahit mahigit na 15 taon nang hindi nagsasama. Kaya nga’t brothers-in-law pa rin ang tingin ng lipunan kina Ricky at Tonyboy. Ricky is in his 40s, katamtamang height, is dark skinned, at guwapo.

Si Ricky ay kasal kay Cita Revilla, ang pinakabunso sa magagandang anak ng veteran actor na si Armando Goyena, na kinabibilangan ng Camay Girl na si Maritess Revilla-Araneta at ang actress/TV host na si Tina Revilla. May dalawa silang anak, sina Nikky at Chelsea, na parehong teenagers. Sinasabing “napakagood-looking couple" sina Ricky at Cita, at bagamat sila ay hiwalay ngayon, sila raw ay nananatiling magkaibigan.

Si Rachel Anne ay isang hip-hop, R&B, jazz, at pop singer. Naging artista siya panandalian at naging Bb. Pilipinas Ms. Young International. Anak siya ni Annie Brazil, ang tinaguriang Queen of Jazz dito sa Pilipinas, at half-sister siya ni Richard Merk, ang kinikilalang Prince of Jazz. Sa website ni Rachel Anne, sinasabing asawa niya si John Spitaletta, na siyang pinag-dedikeytan niya ng isang cut sa album niyang Cool.

Nuong gabi ng a-diyes ng Pebrero, nasa Nuvo rin si Gretchen. Magkakilala ang tatlo: si Gretchen at Ricky, dahil kamag-anak ni Tonyboy by marriage si Ricky; si Gretchen at Rachel Anne, dahil friends ang dalawa nung bata-bata pa ang dalawa.

ANG INSIDENTE. Ayon sa source ng PEP na naroon mismo sa resto-bar, may pagkakataong umalis muna ng ilang minuto sa table nila si Rachel Anne. Sa abot-tingin ng source-witness ay pumunta ito ng restroom, sapagkat kung nakipagkuwentuhan lang ito sa ibang guests ay natanaw niya dapat ito.

Nang mawala sa mesa si Rachel Anne, and in plain sight ng iba pang guests sa resto-bar, biglang lumapit si Gretchen kay Ricky at naglambing umano nang husto sa lalaki. Sabi ng source-witness: “She was touching his hands, his face." Dagdag pa nito: “She was practically nibbling at his ears!"

Ayon pa rin sa source-witness, hinalikan ng isang “looking drunk" na Gretchen si Ricky, na gumanti din daw ng halik. Hindi nga lang daw agresibo ang paghalik ni Ricky sa partner ng kanyang bayaw, kung ibabase sa body language nito.

Sinasabi ring nang gabing iyon, nasa Nuvo ang ilang socialites and their gay friends, na nakakakilala rin kay Ricky. May mga haka-hakang isa sa mga ito ang siyang nagsumbong ng mga pangyayari sa Nuvo kay Cita Revilla-Yabut. Ngunit kung wala mang nakapagsumbong sa mga ito, nakumpirma ng PEP na alam na rin ni Cita ang pangyayari. Ayon sa isang kaibigan ni Cita, ikinuwento raw ni Ricky mismo ang pangyayari sa asawa. Diumano, sina Ricky at Cita ay may mga anim na buwan pa lang naghihiwalay.

Dalawang araw matapos ng insidente, o nuong Pebrero 12, bumalik uli sa Nuvo sina Ricky at Rachel Anne, kasama si Gretchen. Naroon din ang designer na si Czarina Sarte, si Ruffa Gutierrez, at nang bandang huli, si Rufa Mae Quinto. Walang insidenteng nangyari ng gabing iyon, ayon sa isang Nuvo regular.

But obviously, sabi pa ng Nuvo regular, wala pang alam si Rachel Anne tungkol sa nangyari kina Ricky at Gretchen dahil magkakasama pa nga raw ang mga ito. (As of press time, pinipilit pa ring kontakin ng PEP si Rachel Anne Wolfe, na nasa Bangkok, at si Ricky Yabut.)

AWAYAN SA KASIYAHAN. Noong February 17, sa birthday party ni Senator Jinggoy Estrada sa Blue Leaf Event’s Pavilion sa McKinley Road, Fort Bonifacio, Taguig City, naroon sina Gretchen at Tonyboy. Pareho silang pustoryoso. Bumata ang itsura ni Tonyboy; si Gretchen naman ay payat na payat pa rin.

Kinuyog agad sila ng press. Umiwas si Tonyboy sa mga tanong, pero si Gretchen ay masayang sagot nang sagot sa mga tanong. Ayon sa isang magazine reporter, iniwas ni Tonyboy si Gretchen palayo sa press nang papunta na ang mga tanong sa personal, na mukhang papunta na rin sa kuwentong Dody Puno. Nakuhan ito ng ABS-CBN camera.

Buong gabi, sabi ng mga reporters, kapansin-pansin ang pagte-table hopping ni Gretchen at ang pakikipagsayaw nito sa ibang guests at D.I.s na naroon. Di na raw halos ito bumalik sa mesa nila ni Tonyboy.

Paano naman, sabi ng ilang reporters, naroon sa table ni Tonyboy ang kapatid nitong si Choy Cojuangco at ilang Revilla sisters, kasama na rin si Cita Revilla-Yabut.

Nakikita sa mga katabing mesa ang pag-iyak ni Cita habang tila may ikunukuwento kay Tonyboy. Nang lumaon, dahil matagal at paulit-ulit ang pag-uusap nila, naulinigan na rin ng ilang naroroon na nagsusumbong diumano si Cita tungkol sa pangyayari ng Pebrero 10. Inirireklamo raw ni Cita ang ginawa ni Gretchen kay Ricky sa Nuvo.

Ang reaksyon ni Tonyboy, ayon sa mga sumusubaybay sa mga kaganapan sa mesa ng billionaire businessman, ay ang tuluy-tuloy na pag-apologize nito kay Cita habang panay ang lagok ng alak na hawak. At one point, sinundan pa raw ni Tonyboy si Cita habang umiiyak ang huli papuntang restroom, at patuloy pa rin daw itong humihingi ng dispensa. Nakita rin ito ng ilang bisita at press na naroroon.

Nang malalim na ang gabi, ayon na rin sa press, inaway-away daw sila ni Gretchen nang nagtangka silang kunan ng litrato ang kanyang partner na lasing na lasing na. Dagdag naman ng ibang guests, nag-away din nang matindi sina Gretchen at Tonyboy nang gabing iyon nang mag-uuwian na.

WHY, TONYBOY? Pero ayon naman sa isa pang PEP source, si Gretchen ay nasa bahay pa rin nila ni Tonyboy sa DasmariƱas Village hanggang sa sinusulat ito. Ibig daw sabihin nito ay naayos na muli ang anumang kusot na namagitan sa dalawa. Walang hiwalayang nangyari.

Ganoon pa man, ang usap-usapan sa showbiz ay tungkol sa tahasang public display of affection (PDA) ni Gretchen with the brother-in-law of her own partner: Ano na raw ba ang nangyayari kay Gretchen? Iyong kay John Estrada, puwede raw palampasin na nalasing lang, biglaan lang, minsanan lang—totoo man o hindi. Nguni’t iyong kay Dody? At ngayon itong kay Ricky?

Isang talent manager ang nagtatanong: Hinahamon kaya ni Gretchen si Tonyboy? Di ba niya iniisip ang epekto ng ganitong mga balita sa ama ng kanyang anak?

Tanong naman ng ilang movie reporters: Paano si Dominique, ang nag-iisa nilang anak? Napaka-public raw ng mga lugar na pinipili ni Gretchen, mula pa kay Dody at ngayon ay kay Ricky. Lugar pa raw ng mga mayayaman, na sirkulo mismo ni Tonyboy. Ano ba raw ang gusto mangyari ng babaeng madalas tawaging diyosa ng kagandahan?

Isang producer ang nagsabi: Dapat mamimili siya kung anong buhay ang gusto niya—isang mistress na may pananagutan sa partner o isang playgirl na may pananagutan lang sa sarili.

Ganito rin naman ang tema ng mga katanungan ni Gretchen sa sarili, ayon na rin sa kanya. Noong Pebrero 17, Linggo, sa The Buzz, tinanong ng host na si Boy Abunda—na manager din ni Gretchen—kung ano ang mga gusto nitong itanong sa sarili. Ganito ang naging sagot ni Gretchen: “Saan ka talaga pupunta, Gretchen? Kailan ba hihilom ang puso mo? Kelan ka ba mapapagod? Kelan ka ba titigil?"

Nguni’t hindi nagtatapos diyan ang mga katanungan. Ngayon ay nakatuon na rin ang pansin ng marami kay Tonyboy: Ano ba raw talaga ang nararamdaman ni Tonyboy sa mga nababalitang ito? Ilan pa raw kayang iskandalo ang kaya nitong ipagkibit-balikat?

Meron namang ilang movie stars ang ayaw pa-quote pero nagtatanong na rin: Hanggang kelan daw kaya ipagtatanggol ng businessman ang babaeng nagbibigay sa kanya ng kahihiyan? Hindi ba raw ito nawawalan ng respeto sa sarili sa paulit-ulit na pagtataksil ng babaeng dini-defend niya sa lahat?

Samantala, may CD si Gretchen na may isang dosenang kanta na, ayon na rin sa kanya, ay panay patungkol sa buhay at emosyon niya. Iniisip tuloy ng marami na gusto rin naman ni Gretchen ang mga gusot na itong lumalabas sa media dahil pinag-uusupan siya. Ito raw kasi ay surefire way to sell a CD


Tags:
,,,,,,,,,,,,

No comments: