7.23.2006

Ay AYoko niyan AIAI


Kita mo talagang hindi puwedeng magkaroon ng magandang releysionhip ang mga gurang na sa mga bata pang lalaki. Tingnan ninyo mga maders, si AiAi. PAgkatapos niyang iwanan at siyempre wala ng allowance mula sa TANGANG eheste TANGING INA, sinisiraan na siya ng kaniyang ex-boypren at ang familya nito. Kainis anoh?



IMBYERNA si Ai-Ai delas Alas sa akusasyon ng pamilya ng ex-boyfriend niyang si Jun Hinahon na ginamit lang daw niya ito. Pati ang mga ibinigay niya’y ginawang isyu at diumano’y gusto raw niyang ipakuwenta kung magkano lahat ang nagastos niya.

"Nawe-weird-uhan ako sa reaction ng pamilya niya. Nahihilo ako! Mabuti nga, nakilala siya nang dahil sa akin, ‘no? Ayoko na talaga siyang pag-usapan at baka sabihin na naman ng pamilya niya’y ginagamit ko ang anak nila. Excuse me ‘no! Eh, siya nga itong ginamit niya ang katawan ko na paulit-ulit. Hindi naman ako nag-enjoy dahil (censored), " pahayag ni Ai-Ai.

Pinagtatakpan pa nga niya ang dahilan ng kanilang break-up at sinasabi niyang may mga personal differences sila. But the truth is, may third party involved. From a very reliable source, pinaimbestigahan ng isang taong malapit kay Ai-Ai si Jun at natuklasang may itinatago itong babae sa Cavite. Hindi nito alam na taga-roon din ang isang showbiz personality at nakikita sina Jun at ang girl.

No comments: