8.04.2011

IC Mendoza may trauma pa



Kahit saang tingnan talagang sasama ang loob ni IC mendoza, anak ni Dolly Carvajal at apo ni Inday Badiday kay Candy Pangilinan dahil sa pagmumura sa kanya.

Ganito raw ang pangyayari:

Sumama nang husto ang loob ni IC, at naiyak talaga siya sa ginawa umanong pagmumura sa kanya ni Candy nitong nakaraang linggo sa isang bar sa Ortigas Center.
Kasama raw ng komedyana ang kaibigan at dating Councilor ng QC na si Aiko Melendez. Lasing na lasing daw si Candy nang pagmumurahin daw nito si IC.
Kuwento ni IC, nu’ng makita niya sa bar sina Candy at Aiko ay nilapitan niya ang dalawa at binati. Bilang host ng isang talk show, sinabi raw niya kina Candy at Aiko na kung meron daw bang tsika ang mga ito na puwede niyang ibalita sa show niyang Juicy Express, gaya ng bagong pelikula o TV show na puwedeng i-promote niya.
Pero, nagulat daw si IC nu’ng biglang magsalita si Candy at sinabi nitong.. P@#$%na ka, IC! Masyado kang showbiz reporter!”

No comments: