8.19.2011

Hayden Kho and Vicki Belo's Wedding will not be in Metro Manila





Magiging circus pag ang kasal ni Hayden Kho at Vici Bel ay magiging open sa publiko. Maraming magiging ususero at ususera. Dapat nga tahimik na lang sila.


Ito ang balita: 


WEDDING PLANS. Hindi naman naiwasang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media na naroon kung kumusta na ang paghahanda nila para sa kanilang upcoming wedding.

"Nagtitingin-tingin na," agad na sagot ni Dra. Belo.

"I already made an appointment with Monique Lhuillier so I can start choosing gowns. Matagal pa naman yun, e."

Si Monique Lhuillier ay isang US-based Cebuana designer na nakilala sa kanyang classy at very feminine style.

Ilan sa mga naging "Monique brides" ay sina Britney Spears, magkapatid na Jessica at Ashlee Simpson, Reese Witherspoon, at maging ang Pinoy pride na si Lea Salonga at ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez.

Madalas ding makitang inira-rampa ng Hollywood celebrities tulad nina Drew Barrymore, Scarlet Johansson, Teri Hatcher, at iba pa ang mga gawa ni Lhuillier.

Wala pa namang ibinigay na detalye ang dalawa tungkol sa motif ng kasal at kung sino ang mga invited guests.

Tinanong din ng PEP kung saan magaganap ang kasal.

"Tanungin n'yo siya," sabi ni Dra. Belo sabay turo kay Hayden.

"Secret," nakangiti namang sagot ni Hayden.

Within Metro Manila lang ba ang venue ng kasal at reception?

"No, it won't be here. Definitely not here," pagkukumpirma ni Hayden.

Does he mean out of town or out of the country?

No comments: