11.24.2008

Mabangong-mabango si Dingdong Dantes

Siyempre sino ang hindi babango kung maaga mong pamasko ay mga cell phone at mga appliances. May loot bag pa. kahit na galing lang sa mga produktong iniendorse niya.

Ayon nga kay Lolit Solis:

Win ako ng mamahaling relo sa maaga ang Pasko party ni Dingdong Dantes. Malinaw na mali­naw na nanalo ako ng walang involved na scam.
Aray may pinatamaan yata.

Everybody happy sa Christmas party ni Ding­dong noong Sabado sa Imperial Palace Suites ni Mother Lily Monteverde. Eat all you can ang drama with matching goodies, courtesy ng mga may-ari ng produkto na ini-endorso ni Dingdong.

Suplado ang ilang mga reporter ‘ha? Hindi nila type na manalo ng big items dahil mahihirapan sila sa pag-uwi. Kung sino ang ayaw mag-win ng mga malalaking item, sila ang nanalo!


Ikinaloka ng mga reporter ang pagpasok ng mga waiter na may mga bitbit na mobile cellphone.

Give ni Dingdong ng cellphone ang lahat ng mga reporter. Effective ang drama. Nagkagulo ang mga reporter. Na-excite sila sa eksena na bumulaga sa kanila.

Mahirap nang mapantayan ang Christmas party ni Dingdong. Walang naka-feel na may global crisis dahil sa dami ng raffle prizes na ipinamigay ni Ding­dong.


O di haping-hapi sila. Promotion galore.

No comments: