1.29.2008

SNOOKY SERNA AND MILA OCAMPO SEEN IN CASINO?

Snooky was a child actress and was successful in her transition from being a child actress to an adult performer. She earned a lot of money when she was still a minor. The rumor was, her mother actress Mila Ocampo squandered all her earnings to gambling.

Snooky does not deny that they are financially strapped. So when the news came out that they mother-daughter duo were seen in a hotel casino, she denied that they were there to gamble.

This lady was given a lot of chance to right her past mistakes. If she will continue denying her problem, it's her loss.

Here is the news:

Totoo pala ang balita na nagiging favorite tambayan na ni Snooky Serna ang Music 21 Plaza sa Timog Ave., Quezon City at doon nga siya natiyempuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, January 28.

May mga bagong isyu na naman kay Snooky, gaya ng nakita raw sila ng mommy niyang si Mila Ocampo na nagka-casino.

"That's not true," tanggi agad ng aktres. "May nakakita sa amin sa Hotel Sofitel at nakunan nga kami ng pictures ni Mommy, pero wala kami sa loob ng casino. It was the cafe inside Hotel Sofitel, at napadaan kami doon dahil mayroon kaming kausap na alahera, at ang napagkasunduan, doon nga magkikita.

"So my Mom and I just went there to have a drink. Nagulat na lang kami nang lumabas ang isyung nagka-casino pa raw kaming mag-ina. Akala nga raw ng mga tao ay naghihirap na kami, nagpe-pedicab, and all that... Pero swear to God, kapatid, hindi kami nagpunta sa Sofitel para mag-casino o mag-gambling. Ni hindi kami pumasok sa casino," tuloy-tuloy na paliwanag ni Snooky.

Nakilala raw kasi ang ina ni Snooky noon pa bilang gambler. Ito raw ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkandahirap-hirap sila at nagipit nang husto.

"Hindi naman ikinaila ng mommy ko 'yan, pero matagal na siyang hindi nagka-casino. Wala na nga kaming kapera-pera, magsusugal pa siya? Aaminin ko na ang isa sa diversion ng mommy ko ngayon ang magpunta sa Market! Market! at mag-bingo. Magkano lang ba ang itinataya doon? After a few rounds, umuuwi na si Mommy.



,,,,

No comments: