Raphe Ferandez is a the eldest son of Rudy Fernandez and Lorna Tolentino. He finished film-making at the Ateneo de Manila but now he would like to be in front of the camera rather than behind it. According to Lorna Tolentino, she gave her blessings to his son because he has already finished a degree. Now he can do whatever he likes.
News from PEP.
Handa nang sumabak ang panganay na anak nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino na si Raphe Fernandez sa pag-aartista. Napag-alaman ito ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula mismo kay LT, at okay lang siya rito dahil nakatapos na ang anak sa kursong filmmaking sa Ateneo de Manila University.
"Matagal na siyang naghahanda," sabi ni Lorna. "In fact, noon pa siya kumuha ng extensive acting workshop kay Gina [Alajar]. Ninang niya 'yon kaya naman I'm very sure tinuruan siya nang husto para humusay sa pag-arte. Importante kasi sa akin 'yon. Kung sasabak siya sa pag-aartista, dapat ay handa siya. Hindi porke anak siya nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino, uubra na 'yon.
"Besides, pumayag lang talaga kami dahil natapos niya ang kanyang pag-aaral. Yun lang deal namin ng mga anak ko. Magtapos sila, and they can do whatever is best for themselves. I have a feeling na magiging stage mother ako. Sa true lang, eeksena talaga ako kapag artista na si Raphe! Keber!" biro at natatawang sabi ng aktres.
Teaser na nga yung nakikita sa ilang magazines ang mukha ni Raphe. Ang dating si Rap-Rap ay binatang-binata na, 22 years old. Prize catch ang binata for any girl, pero kung showbiz ang pag-uusapan, built-in ang pagiging star material nito.
"Nagulat nga ako noon, kasi hindi naman talaga interesado sa pag-aartista si Raphe. Kumuha siya ng kursong may kaugnayan sa filmmaking, pero ang feeling ko, baka gustong maging direktor o scriptwriter. Pero ang sabi niya, mas interesado siya sa pagdidirek. He will try acting, para humusay siya sa pagdidirek. Sabi ko, okay 'yon. Doon lalabas ang creativity ng isang individual artist. Iba ang akting, at 'pag humusay ka sa parteng ito, kapag matiyaga ka, you can be a very good director," saad ni LT.
Nakapagdirek na rin sa TV si Lorna, pero hindi raw siya kasing-tiyaga ng anak niya.
"The fact that he finished college, may degree siya, well, nagtiyaga talaga siya. He's ready to take the challenges, including acting. Mas okay na mag-umpisa siya sa pag-arte para lalo pa siyang mahasa, at matutunan niya ang iba pang aspeto ng pagdidirek," lahad ni LT.
Ang pangalawang anak naman nina Lorna at Rudy na si Renz ay nag-aaral pa rin sa University of the Philippines. Mga isang taon na lang ay magtatapos na rin ito.
"At saka na niya isipin kung ano ba ang gusto niya," sabi ni Lorna. "'Yun lang ang gusto ko, makatapos sila. Frustration ko kasi ang pag-aaral. Hindi ba't ilang ulit akong labas-masok sa eskuwelahan, pero hindi ako nakatapos dahil kailangan kong magtrabaho?
"So I made sure, ang mga anak ko, hindi muna malu-lure ng showbiz. Mag-aaral na muna sila. Raphe is already sure of himself, at nandito lang kami for guidance. But I'm pretty confident may mararating siya sa pag-aartista, kung ise-set niya ang mind at heart niya rito."
Mukhang hindi naman pinilit ni LT si Raphe. May impluwensiya, at hindi maiaalis 'yon. Parehong batikang mga artista ang kanyang parents.
"Quiet kasi 'yang si Rap, 'yan ang nakamana ng ugali ko. Napagkakamalang suplado, pero 'pag palagay na ang loob, lagi nang may ready smile. I was like that when I was younger, di ba?
"Si Renz nga ang feeling kong mag-aartista, kasi machika 'yan. But he may turn out to be a good businessman someday. Sumososyo 'yan sa businesses ng kanyang maga kaibigan. Nagugulat na lang ako dahil nakakaipon siya, wala pa siyang trabaho at hindi pa nakakatapos," nangingiting pahayag ng proud mom.
Pinasasabak na raw ng mag-asawa ang mga anak nila sa pag-aartista dahil sa hindi na nga pupuwedeng magtrabaho pa si Daboy. Lumalaban pa rin ito sa sakit na cancer. Gayunpaman, hindi kailangan ng mag-asawa ang financial support ng mga anak.
"Hindi yung pagsuporta sa pamilya ang point dito," paglilinaw ng aktres. "Hilig niya 'yan, e. Naiintindihan namin.
"Hindi sa pagyayabang. May naipon kaming mag-asawa na sapat para itaguyod ang magandang kinabukasan nila, kahit hindi sila mag-artista. Pero paano kung sila na ang may gusto? Alangang sabihin naming hindi, e, sa ganitong trabaho namin sila binuhay at binigyan ng magandang future. Hindi nila maiintindiahan kung idi-discourage namin sila samantalang tapos na sila ng pag-aaral, and they have to be responsible adults sa gagawin nilang decisions, di ba?" tuluy-tuloy na sabi ni LT.
Kung si LT ang tatanungin, ang kagustuhan niyang magbalik sa kolehiyo para makatapos ng pag-aaral ay isinara na niya.
"Happy na ako, na ang kabiguan ko, tagumpay naman ng mga anak ko. Sila ang importanteng makatapos. Kung makapag-aral ako at gumradweyt, parang mahirap nang ma-appreciate ko pa 'yon. Samantalang hindi rin ako nawawalan ng trabaho. Showbiz has been very good, sa amin ni Daboy. Kung maibabalik namin ang kabutihang ito through our children, bakit namin ipagdaramot?" paliwanag ni Lorna.
Samantala, mabuti naman ang lagay ni Daboy ngayon. Nakita nga namin sa Redemptorist Church si Daboy, and he looks well. Maganda ang pangangatawan ng action star.
"Pero lumalaban pa rin siya," sabi ni Lorna. "Hindi naman biro ang sakit na dumapo sa kanya. Ipinagpapasalamat na lang namin sa Panginoon, hindi talaga Niya kami pinababayaan. Naging mas close pa ang family namin dahil diyan. Kahit ganoon, naitataguyod pa rin namin ang aming mga anak."
Technorati tags:
entertainment,celebrities,Rudy Fernandez,Lolit Solis,Lorna Tolentino,Raphe Fernandez
No comments:
Post a Comment