8.06.2007

In this Corner of the Universe-Nagkita Nga Pero Hindi nagkabalikan

Dear Celebrity Readers,

Pag-ibig talaga parang sira anoh.

Ito ng balita tungkol kina Erik Santos at Rufa Mae Quinto.

Matapos ang kontrobersyal na paghihwalay nila noong nakaraang buwan, muling nakitang magkasama sina Rufa Mae Quinto at Erik Santos sa isang show na pinamagatang Love Birds sa Manila Hotel noong Sabado, August 4.

Isang senyales kaya ito ng muli nilang pagbabalikan?

Sa taped interview ng The Buzz kay Erik Santos kahapon, August 5, agad na nilinaw ng singer na naka-book na ang nasabing show nila ni comedienne Rufa Mae noong sila pa lamang.

Dagdag pa niya, "Siyempre alangan namang i-cancel because of, you know, the breakup. Kahit anong mangyari, kailangan bigyan mo ng magandang performance iyong audience mo."

Inamin naman ni Erik na mahal pa rin niya ang dating girlfriend. Ngunit aminado naman siya na marami pa rin silang pagdadaanang pagbabago kung sakaling magkakabalikan man.

Paliwanag ni Erik, "Para at least kung ano man ang nangyari in the past, kung magkabalikan man, wala na 'yon. May mga gusto akong iayos sa relasyon namin at alangan naman na susugod agad sa balikan 'tapos mag-aaway lang din."



Technorati tags:
,,,,,

No comments: