Kahit na nabigyan na ng visa si Jolina ng US embassy ay wala raw siyang balak magmigrate sa United States.
Ito ang balita mula sa GMA News:
Nagulat si Jolina Magdangal noong victory party ng box-office hit Ouija nang tanungin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal)—totoo bang magma-migrate na siya sa States?
Ang sabi-sabing dahilan ng kanyang pag-alis: Una, hindi na raw siya masaya sa GMA-7 network dahil wala siyang regular show ngayon maliban sa SOP. Pangalawa, libre na raw siyang mag-migrate dahil may lifetime U.S. visa siya. Alin ang totoo?
"Hindi po totoo iyon," sagot ni Jolina. "Pero totoo pong nabigyan na ako ng visa ng U.S. Department of Home and Security ng Alien of Extraordinary Ability, kaya free na akong mag-travel anytime, na hindi ko na kailangang kumuha ng working visa kung magso-show ako sa USA."
Tungkol naman sa balitang hindi na siya masaya bilang Kapuso dahil iisa na lang ang show niya, heto ang paliwanag niya: "Bukod po sa SOP, mayroon pa akong Masigasig sa QTV 11 at medyo mahirap iyon dahil seasonal ito, entrepreneurship, at matatapos na rin ito.
"Pero magiging busy ako sa pagta-travel ngayon dahil sa pagpu-promote ko ng GMA Pinoy TV abroad. Aalis kami nina Judy Ann (Santos) at Rhian (Ramos) para sa world premiere ng Ouija sa September 21 dahil sa September 29, nasa Seattle kami, sa September 30 sa San Diego, California at sa October 7 sa Orlando."
HIndi ba green card na yon? Walang balak magmigrate?
entertainment,Jolina Magdangal,Gabby Concepcion
No comments:
Post a Comment