6.26.2011

Derek Ramsey, married?





Totoo kaya ito? Paano naman si Angelica?

Naku, tugang na Butch, ano ang masasabi mo sa balitang  may malaking hinampo si Derek Ramsay sa ABS-CBN?
Ang dahilan, ang network pang kinabibilangan niya ngayon ang lumalabas na nagbuking sa publiko ng tsismis na umano ay kasal na siya noong 2002 pa? 
Sumama raw talaga ang loob ng sikat na hunk actor papa natin, kahit napigilan pa nga raw itong ipalabas sa TV Patrol last week, dahil never niyang naisip na sa sariling bakuran pa niya magsisimula ang “masamang balita” against him.
Mukha ngang mahaba-haba at matinding paliwanagan ang kailangang harapin at gawin ni papa Derek, sa masasabi nating isa na marahil sa pinakamatinding intrigang ibinato sa kanya.
Kailangan lang siguro nating bigyan ng kredito ang hinaing ni papa Derek lalo pa’t isa siya sa mga maituturing na pinaka-in-demand na artista ng Kapamilya Network, na lumalabas ngayong nagpasimuno ng bagong kontrobersiya sa kanya na sinasakyan at pinulot na ng ibang media.
At gaano kaya katotoo na hindi nagpaparamdam ngayon ang aktor at may mga taping sa Dos nga raw itong hindi na muna pinuntahan dahil sa pangyayari?

source: journal online 

No comments: