3.13.2009
VILMA SANTOS -ULIRANG ARTISTA LIFETIME ACHIEVEMENT AWARDEE
Pararangalan si Star for All Seasons at Batangas Governor na si Ms. Vilma Santos ng
Ulirang Artista Lifetime Achievement Award.
Ibinibigay ang nasabing award ng entertainment writers' club sa simumang nameet angsumusunod na criteria; "outstanding body of work in film, remarkable achievements in Philippine Cinema, unquestionable credibility, impeccable reputation in the movie industry, integrity, and if she has touched the lives of the Filipino people from her humble beginnings up to her present status."
Ang kauna-unahang recipient ng Ulirang Artista Lifetime Achievement Award ay si Ms. Anita Linda noong 1987. Ang iba pang past Ulirang Artista honorees ay sina: Dolphy, Eddie Garcia, Joseph Estrada, Susan Roces, Ramon Revilla Sr., Armando Goyena, Boots Anson-Roa, Perla Bautista, Eddie Rodriguez, Charito Solis, Armida Siguion-Reyna, Gloria Romero, German Moreno, Chichay, Gil de Leon, Leopoldo Salcedo, Alicia Vergel, Mona Lisa, at Rosa Rosal.
Noong isang taon, ito ay ibinigay sa namayapang actor-producer na si Rudy Fernandez.
Tuwang-tuwa si Governor Vi sa nasabing mataas na karangalan, nag-congratulate pa siya sa grupo for its 25th year, at masayang kinumpirmang darating sa Gabi ng Parangal upang personal na tanggapin ang kanyang trophy.
Isa siyang multi-awarded, highly-respected actress (with her string of award-winning performances and box office achievements) na pinasok din ang daigdig ng pulitika. Mula sa pagiging mayor ng Batangas ay matagumpay rin itong ibinoto ng mga Batangeño bilang kanilang Governor.
Naikot na niya sa matagumpay niyang showbiz career ang halos lahat ng major award giving bodies—Gawad Urian, FAP (na ngayo'y Luna Awards), FAMAS (Hall of Famer siya as Best Actress), MMFFP, at Young Critics Circle.
Sa history or honor roll ng PMPC Star Awards for Movies, si Governor Vi ang nagkamit ng pinakamaraming tropeo bilang Movie Actress of the Year (Best Actress)—a total of six (6) PMPC trophies to be exact—at isang Dekada Award as Best Actress noong nagpalit ang dekada, na iginawad din noon kina Nora Aunor at Sharon Cuneta.
Ang anim na Star Awards for Movies (Best Actress) trophies na nakopo ng Star for All Seasons ay para sa Pahiram ng Isang Umaga (1989), Dahil Mahal na Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993), Bata, Bata, Paano Ka Ginawa (1998); Dekada '70 (2002), at ang pinakahuli ay para sa Mano Po 3: My Love (2004).
Ngayong April 11 ay nakatakdang umalis si Vilma kasama ang grupo ng Star Cinema patungong U.S. upang mag-shoot ng comeback film niya (after five years), tentatively titled A Mother's Story, directed by Olivia Lamasan. Kasama ni Vilma sa cast ang anak na si Luis Manzano at ang kasalukuyang Box-Office King John Lloyd Cruz.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment