Showing posts with label Lorna Tolentino. Show all posts
Showing posts with label Lorna Tolentino. Show all posts

2.09.2009

Lorna Tolentino back to work


Lorna Tolentino lied low for a while after Rudy Fernandez' death.
Now she's ready to work even her grief is not entirely gone.

She hosted the Luna Awards together with Tirso Cruz III and Robert Arevalo.

This is about her coming projects;

Si Lorna Tolentino—along with Gina Alajar, Tirso Cruz III, and Robert Arevalo—ang nag-host ng 26th Luna Awards ng Film Academy of the Philippines (FAP). Ginanap ang awards night last Sunday, February 8, sa Topaz Room ng Mandarin Oriental Suites sa Gateway Mall, Araneta Center, Quezon City.



Nakausap ng PEP si Lorna pagkatapos ng FAP event. Kapansin-pansin na kahit ngumingiti siya ay may lungkot pa rin ang kanyang mga mata.



Naitanong sa kanya kung kailan siya magsisimulang mag-taping ng unang teleserye niyang gagawin sa ABS-CBN pagkatapos niyang lumipat from GMA-7 late last year.



"Siguro next month, kasi February na ngayon," sagot ni Lorna. "Medyo na-delay nga dahil hindi pa makabuo ng cast. Noong una kasi, sina Christopher de Leon at Gabby Concepcion daw ang makakasama ko. Pero kakatapos lang daw ni Boyet sa Kahit Isang Saglit. Kaya ngayon daw, si John Estrada na ang makakasama namin ni Gabby. Sa iba yatang project inilagay si Boyet."



Totoo bang kasama rin sa cast si Angelica Panganiban, na nanalong Best Supporting Actress sa Luna Awards para sa A Love Story?



"Hindi ko pa alam ang iba pang members ng cast, sina Gabby at John pa lang ang alam ko," sabi ni Lorna. "Pero maganda kung makakasama ko nga siya, mahusay na aktres si Angelica. Hayan nga at siya ang nanalong Best Supporting Actress. Wala pa rin yata kaming title at hindi ko pa puwedeng sabihin kung ano ang story ng teleserye namin. I think inaayos pa nilang mabuti ang script."



Ayon sa manager ni Lorna na si Lolit Solis nang makausap ng entertainment press, hindi pa raw handa ang aktres na magtrabaho kaya hindi pa nito masabi kung kailan siya magsisimulang mag-taping. Tinanggihan din daw ni Lorna na mag-host ng isang morning show ng ABS-CBN, kung saan makakasama niya sana sina Ruffa Gutierrez at Ai-Ai delas Alas.



"Hindi naman [sa hindi pa handa], ani Lorna. "Kaya lang that time na magkausap kami ni Nanay Lolit, wala pa ngang nabubuong cast. Ngayon pa lang nila sinabi na si John na nga ang isa ko pang makakasama.



"Yung talk show naman, noon ko pa sinabi na ayoko na ng showbiz talk show. At saka gusto ko, isa-isa muna. Yung teleserye na muna ang uunahin ko kasi may movie rin akong gagawin sa Star Cinema. Siguro, kung hindi March, sa April ako magsisimulang magtrabaho. Marami pa rin naman akong inaasikaso ngayon."



Natapos na ba ang ipinagagawa niyang mausoleum ng yumao niyang asawa na si Rudy Fernandez sa Heritage Park?



"Hindi pa. Siguro ilang buwan pa, tapos na 'yon," sabi ni Lorna. "Yun kasing granite stones na gagamitin, in-order pa nila. May ilan din akong ipinabago habang hinihintay yung granite stones kaya hindi pa natatapos."



Kumusta naman ang itinatayo nilang Rudy Fernandez Cancer Foundation?



"Naayos na namin ang mga papers na kailangan para sa Security Exchange Commission (SEC), naayos na rin namin ang bank accounts nito at maisa-submit na rin namin ito sa kanila."



Siya ba mismo ang mamamahala sa foundation?



"Yes, pero marami kami rito. Kasama ko rin sina Senator Jinggoy [Estrada] at Senator Bong [Revilla], at iba pang kasama na alam ang pagpapatakbo ng isang foundation. Kapag naayos ito, magsisimula na kaming tumanggap ng mga taong ilalapit sa amin para matulungan ng foundation."



Nabanggit ng PEP kay Lorna ang kalagayan ng kaibigan nilang si Phillip Salvador, na nasangkot sa magkasunod na mga isyu—ang pananakit niya sa bus driver at ang estafa case nito sa businesswoman na si Cristina Decena.



"Nakakalungkot nga ang nangyayari. Sana nga ay maayos na 'yon. Kung anuman ang mangyayari, tiyak namang hindi siya pababayaan ng mga kaibigan namin," pahayag ni Lorna.

9.29.2008

Lorna Tolentino moving to Kapamilya

There had already been talks about the possible transfer of Lorna to ABS-CBN but this was denied repeatedly by her talent manager, Lolit Solis.

MANILA, Philippines- It's official. Lorna Tolentino, who was a GMA 7 talent for three years, has moved to the rival network. But Kapuso exec Wilma Galvante said Friday, “There will always be room in GMA 7 for talents like her.” Tolentino’s manager Lolit Solis said the ABS-CBN deal includes two soaps and two movies in two years. “I thought plus factor ang talk show (‘Startalk’) sa contract ng GMA 7, ’yun pala ang ayaw n’ya,” said Solis.


Was it because Lorna is sincere in saying that she does not want in talk shows where her fellow stars are the subjects of the intrigues. Or was it because it was ABS CBN which bought the rights for Rudy Fernandez movies?

6.14.2008

RUDY FERNANDEZ AND SONS-CELEBRITY FATHERS AND CHILDREN

RUDY FERNANDEZ



MARK ANTHONY FERNANDEZ


Mark Fernandez is the son of Rudy Fernandez to his former live-in partner Alma Moreno. He became popular when he was introduced as among the Guwapings.

RAPHE AND RENZ FERNANDEZ


Ralphe and Renz Fernandez are Rudy Fernandoez' sons to his wife Lorna Tolentino, a popular actress and Talk show host.

6.07.2008

RUDY FERNANDEZ DIED OF CANCER


Rudy Fernandez succumbed to cancer, Saturday, 6:15 Philippine time after battling the disease for two years.

He was survived by his wife Lorna Tolentino, his two sons Ralphe and Renz and his son with Alma Moreno, Mark Anthony Fernandez.

He was one of the eight children of director (Dr.) Gregorio Fernandez who started in the movies at Sampaguita Pictures.He got popular in 1970's when he did the movie the true-to-life story of Baby Ama. Other true-life characters he portrayed included military man Victor Corpuz, action star Eddie Fernandez, Baguio cop Bobby Ortega and Sen. Ping Lacson. Rudy won four Best Actor awards.

His wish to live longer made him look for alternative treatment for his peri-ampullary cancer diagnosed in 2004.

Until early this year, the couple still went to US to try some new treatment. They came back to the Philippines when doctor informed that they could do nothing more.

Rudy declined to be brought to the hospital when he was in pain a day before he died. He also instructed the family not to put him under respirator when his time comes.

He will be interred in June 12.

6.03.2008

RUDY FERNANDEZ CHECKED OUT OF THE HOSPITAL

rudy+fernandez

What did Lorna Tolentino mean when she said that the battle is already out of their hands and she affirmed her faith regarding her husband's coping with cancer.

Rudy Fernandez checked out of the hospital where he was confined for a month to undergo percutaneous transhepatic billiary drainage.

If it is to celebrate their wedding anniversary or he just wanted to get out of the hospital even though he's weak, it seems, the future is grim.

Even Jinggoy Estrada, his closest friend revealed that he's no longer talking as much
even though he can still alert.

It is sad that he got sick after being able to wither the stress he had with his son MARK Fernandez.

In one way, he is lucky to have a devoted wife such as Lorna Tolentino and friends who never left him during this battle.

source: inquirer

,,,

1.21.2008

RAPHE FERNANDEZ PREFERS ACTING THAN DIRECTING

raphe fernandez
Raphe Ferandez is a the eldest son of Rudy Fernandez and Lorna Tolentino. He finished film-making at the Ateneo de Manila but now he would like to be in front of the camera rather than behind it. According to Lorna Tolentino, she gave her blessings to his son because he has already finished a degree. Now he can do whatever he likes.

News from PEP.



Handa nang sumabak ang panganay na anak nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino na si Raphe Fernandez sa pag-aartista. Napag-alaman ito ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula mismo kay LT, at okay lang siya rito dahil nakatapos na ang anak sa kursong filmmaking sa Ateneo de Manila University.



"Matagal na siyang naghahanda," sabi ni Lorna. "In fact, noon pa siya kumuha ng extensive acting workshop kay Gina [Alajar]. Ninang niya 'yon kaya naman I'm very sure tinuruan siya nang husto para humusay sa pag-arte. Importante kasi sa akin 'yon. Kung sasabak siya sa pag-aartista, dapat ay handa siya. Hindi porke anak siya nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino, uubra na 'yon.



"Besides, pumayag lang talaga kami dahil natapos niya ang kanyang pag-aaral. Yun lang deal namin ng mga anak ko. Magtapos sila, and they can do whatever is best for themselves. I have a feeling na magiging stage mother ako. Sa true lang, eeksena talaga ako kapag artista na si Raphe! Keber!" biro at natatawang sabi ng aktres.



Teaser na nga yung nakikita sa ilang magazines ang mukha ni Raphe. Ang dating si Rap-Rap ay binatang-binata na, 22 years old. Prize catch ang binata for any girl, pero kung showbiz ang pag-uusapan, built-in ang pagiging star material nito.



"Nagulat nga ako noon, kasi hindi naman talaga interesado sa pag-aartista si Raphe. Kumuha siya ng kursong may kaugnayan sa filmmaking, pero ang feeling ko, baka gustong maging direktor o scriptwriter. Pero ang sabi niya, mas interesado siya sa pagdidirek. He will try acting, para humusay siya sa pagdidirek. Sabi ko, okay 'yon. Doon lalabas ang creativity ng isang individual artist. Iba ang akting, at 'pag humusay ka sa parteng ito, kapag matiyaga ka, you can be a very good director," saad ni LT.



Nakapagdirek na rin sa TV si Lorna, pero hindi raw siya kasing-tiyaga ng anak niya.



"The fact that he finished college, may degree siya, well, nagtiyaga talaga siya. He's ready to take the challenges, including acting. Mas okay na mag-umpisa siya sa pag-arte para lalo pa siyang mahasa, at matutunan niya ang iba pang aspeto ng pagdidirek," lahad ni LT.



Ang pangalawang anak naman nina Lorna at Rudy na si Renz ay nag-aaral pa rin sa University of the Philippines. Mga isang taon na lang ay magtatapos na rin ito.



"At saka na niya isipin kung ano ba ang gusto niya," sabi ni Lorna. "'Yun lang ang gusto ko, makatapos sila. Frustration ko kasi ang pag-aaral. Hindi ba't ilang ulit akong labas-masok sa eskuwelahan, pero hindi ako nakatapos dahil kailangan kong magtrabaho?



"So I made sure, ang mga anak ko, hindi muna malu-lure ng showbiz. Mag-aaral na muna sila. Raphe is already sure of himself, at nandito lang kami for guidance. But I'm pretty confident may mararating siya sa pag-aartista, kung ise-set niya ang mind at heart niya rito."



Mukhang hindi naman pinilit ni LT si Raphe. May impluwensiya, at hindi maiaalis 'yon. Parehong batikang mga artista ang kanyang parents.



"Quiet kasi 'yang si Rap, 'yan ang nakamana ng ugali ko. Napagkakamalang suplado, pero 'pag palagay na ang loob, lagi nang may ready smile. I was like that when I was younger, di ba?



"Si Renz nga ang feeling kong mag-aartista, kasi machika 'yan. But he may turn out to be a good businessman someday. Sumososyo 'yan sa businesses ng kanyang maga kaibigan. Nagugulat na lang ako dahil nakakaipon siya, wala pa siyang trabaho at hindi pa nakakatapos," nangingiting pahayag ng proud mom.



Pinasasabak na raw ng mag-asawa ang mga anak nila sa pag-aartista dahil sa hindi na nga pupuwedeng magtrabaho pa si Daboy. Lumalaban pa rin ito sa sakit na cancer. Gayunpaman, hindi kailangan ng mag-asawa ang financial support ng mga anak.



"Hindi yung pagsuporta sa pamilya ang point dito," paglilinaw ng aktres. "Hilig niya 'yan, e. Naiintindihan namin.



"Hindi sa pagyayabang. May naipon kaming mag-asawa na sapat para itaguyod ang magandang kinabukasan nila, kahit hindi sila mag-artista. Pero paano kung sila na ang may gusto? Alangang sabihin naming hindi, e, sa ganitong trabaho namin sila binuhay at binigyan ng magandang future. Hindi nila maiintindiahan kung idi-discourage namin sila samantalang tapos na sila ng pag-aaral, and they have to be responsible adults sa gagawin nilang decisions, di ba?" tuluy-tuloy na sabi ni LT.



Kung si LT ang tatanungin, ang kagustuhan niyang magbalik sa kolehiyo para makatapos ng pag-aaral ay isinara na niya.



"Happy na ako, na ang kabiguan ko, tagumpay naman ng mga anak ko. Sila ang importanteng makatapos. Kung makapag-aral ako at gumradweyt, parang mahirap nang ma-appreciate ko pa 'yon. Samantalang hindi rin ako nawawalan ng trabaho. Showbiz has been very good, sa amin ni Daboy. Kung maibabalik namin ang kabutihang ito through our children, bakit namin ipagdaramot?" paliwanag ni Lorna.



Samantala, mabuti naman ang lagay ni Daboy ngayon. Nakita nga namin sa Redemptorist Church si Daboy, and he looks well. Maganda ang pangangatawan ng action star.



"Pero lumalaban pa rin siya," sabi ni Lorna. "Hindi naman biro ang sakit na dumapo sa kanya. Ipinagpapasalamat na lang namin sa Panginoon, hindi talaga Niya kami pinababayaan. Naging mas close pa ang family namin dahil diyan. Kahit ganoon, naitataguyod pa rin namin ang aming mga anak."




Technorati tags:

,,,,,

6.25.2007

In this Corner of the Universe-Rosanna Roces Lesbian Daw

Dear mga Kafatid na Walang Kasawa-sawang magbasa ng Showbiz,
Lumalala ang away ni Lolit Solis, Lorna Tolentino at Rosanna Roces. Rambulan na.

Panoorin ang mga akusasayon tungkol sa lesbian relationship ni Rosanna at ang counter accusation na si Lorna Tolentino ang lesbian. Pakikuha nga ako ng iced tea. Bigla akong inuhaw.



Para sa youtube video, punta kayo rito.

Laughingly yours,

uploaded by starsinamillion.blogspot.com

Related Link:

Lolit Solis versus Rosanna Roces

,,,,,

6.24.2007

In this Corner of the Universe-Lorna Tolentino versus Rosanna Roces

Dear mga Kafatid na Mahilig sa Showbiz,



Ito ang balita:

Lorna Tolentino ignores Rosanna Roces's threat

Muntik nang hindi maabutan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Lorna Tolentino sa grand opening ng branch ng Forever Flawless sa Mall of Asia kahapon, June 23. Si Lorna ang main celebrity endorser ng Forever Flawless at ngayon ay sinamahan na siya ni Judy Ann Santos.

Dito nagsalita si Lorna sa mga sinabi sa interview ni Rosanna Roces tungkol sa maysakit niyang mister na si Rudy Fernandez. Ito ay may kinalaman sa diumano'y ilalantad ni Osang na intimate photos nila ni Daboy.

"Galit ako sa mga sinabi niya," mariing sinabi ni Lorna. "Malungkot din ako. Ewan ko nga ba bakit may mga tao na napaka-insensitive. Alam na nga nila na may sakit ‘yong tao, kung anu-ano pa ang sinasabi nila."

As much as possible, ayaw nang patulan ni Lorna ang mga pahayag ni Osang sa telebsiyon at sa mga diyaryo.

"Nagkataon lang siguro na marami kasi akong mas dapat isipin ngayon kaya wala ako sa fighting mood na sumagot-sagot. Alam naman ng lahat na may problema akong kinakaharap ngayon. Kaya hindi ko papatulan ang mga ganyang isyu," sabi ni Lorna.

Samantala, hindi naman itinanggi ni Lorna ang tungkol sa pagmaga ng kanyang mukha pagkatapos mag-undergo ng thermage treatment kay Dra. Vicki Belo.

"Lahat naman ng nagpapa-thermage, meron. Kumbaga, iyon naman talaga ang side effect. Mamaga ng konti ang mukha mo. Five days namaga, pero konti lang tapos mawawala. Magsa-subside na. Pag nag-subside naman, sobra namang wala ka nang taba, o!" sabay hawak niya sa kanyang mukha.

"Hindi ko alam kung bakit na-blown out of proportion ‘yong tungkol doon. Siyempre, gusto nila kaming pag-awayin ni Doktora. Pag merong mga tao na hindi naman maligaya... Siyempre, ano pa ang gagawin nila kundi ang makapaghanap ng maipipintas kay Doktora, ‘yong maipipintas sa akin?" pagwawakas ng aktres.


Laughingly yours,

uploaded by starsinamillion.blogspot.com

Related Link:

Lolit Solis versus Rosanna Roces

,,,,,

5.08.2006

Lorna Tolentino

picture of Lorna Tolentino at starsinamillionblogsot.comMay magandang Katawan at may Nunal sa labi. Maliit pang bata ay artista na si Lorna at una siyang gumanap sa pelikulang Divina Gracia.

Tunay na Pangalan

Victoria Lorna Aluquin

Kapanganakan

* 1961
Lugar ng Kapanganakan

Concepcion Tarlac

Award-winning actress Lorna Tolentino is the epitome of a genuine, regal celebrity without the arrogance. “I don’t see myself as a big star,” Lorna tells the press “I consider myself as a shining, little twinkle star.”

Related articles:

1. Rosanna Roces versus Lorna Tolentino

2. Lorna Tolentino, Lesbian Daw


3. Raphe Fernandez prefer acting than directing


Technorati tags:

,,,,,