Ms. Wilma Galvante Sued Annabelle Rama. This has been due for a long time. Someone should show Annabelle Rama not to bully people just because she is giving them gifts which she labeled as commission for the Senior Vice-President of GMA7.
Pitong milyong piso ang halaga ng damage suit na isinampa ni Ms. Wilma Galvante, Senior Vice President for Entertainment TV ng GMA-7, laban sa talent manager na si Annabelle Rama. Pagpapatunay lamang ito ng pagiging matapat ng lady executive sa pinaglilingkuran niyang network dahil hanggang sa halaga ng kaso ay No. 7 pa rin ang kanyang pinili.
Tahimik na nagsampa ng kaso si Ms. Wilma sa Quezon City Regional Trial Court noong March 17. Sa kanyang 40-pages civil complaint, isinalaysay ng GMA executive ang mga pananakot diumano ni Annabelle sa kanya sa pamamagitan ng media interviews at text messages.
Hiniling ni Ms. Wilma sa korte na pigilan si Annabelle Rama sa pananakot sa kanya at maglabas ng restraining order para hindi makalapit si Rama, within 50 meters, alang-alang sa kaligtasan niya.
Ikinuwento ni Ms. Wilma sa sinumpaang salaysay na nakatanggap siya ng mga malisyoso at masasakit na salita mula kay Annabelle. Ito ay pagkatapos niyang kausapin si JC de Vera sa loob ng opisina niya sa GMA Network Center noong February 16.
Talent ni Annabelle si JC. Matatandaan na umiyak ang aktor sa story conference ng SRO Cinemaserye (dating Obra) sa 7th floor Concept Room ng GMA Network Center nang malaman niya na ipinatatanggal siya ng kanyang manager sa nabanggit na show.
Dahil sa pagluha ni JC, nagpasya ang mga executive ng GMA-7 na sina Ms. Redgie Magno at Ms. Lilybeth Rasonable na ipasok ang aktor sa opisina ni Ms. Wilma para hindi makita ng ibang mga tao ang kanyang pag-iyak.
Pinaratangan ni Annabelle ng "harassment" si Ms. Wilma dahil diumano tinakot si JC ng lady executive.
Ipinagtapat ni Ms. Wilma sa kanyang complaint na dahil sa "violent streak" ni Annabelle ay nagkaroon daw siya ng pangamba na posibleng totohanin ng huli ang banta na pananakit sa kanya.
Binanggit ni Ms. Wilma sa complaint niya na nakatanggap siya ng text message mula kay Rama noong February 16. Bukod sa tinawag siya na "traydor" ay nagbanta diumano si Rama na gagantihan siya.
Kinabukasan, February 17, napagtanto ni Ms. Wilma na ang mga text message na natanggap niya ang umpisa ng mga malisyosong pahayag upang wasakin ang kanyang reputasyon.
Ipinahayag ni Ms. Wilma na sa ilalim ng Civil Code of the Philippines, kailangang igalang ang dignidad, personalidad, privacy, at kapayapaan ng isip ng bawat isa at ang lahat ng ito ay nilabag ni Annabelle sa pamamagitan ng malisyosong aksyon na labag sa batas.
Hiniling ni Ms. Wilma sa korte na ipagkaloob sa kanya ang limang milyong piso (P5 million) bilang moral damages, P1.5M (exemplary damages), at P500,000 para sa legal fees.
ANNABELLE'S REPLY. Tinawagan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kanina si Annabelle upang kunin ang reaksiyon niya sa kaso na isinampa ni Ms. Wilma sa kanya.
Ayon kay Annabelle, hindi siya natatakot kay Wilma at handa siyang harapin sa korte ang kaso na isinampa laban sa kanya
"Matagal ko nang hinihintay ang demanda niya sa akin. Alam ko na 'yan. Inaasahan ko 'yan. Siya ang nag-umpisa ng away. Haharapin ko siya.
"Ang tanging kasalanan ko lang, e, ipinagtanggol ko ang mga talent ko, sina Heart Evangelista at JC de Vera. Pupunta ako sa Huwebes [April 2] sa Quezon City Regional Trial Court Branch 95 para sagutin ang mga bintang niya sa akin," ang pahayag ni Annabelle sa PEP.
No comments:
Post a Comment