Showing posts with label Carla Abellana. Show all posts
Showing posts with label Carla Abellana. Show all posts

12.01.2011

Carla Abellana, the new pin-up girl of Tanduay



It is not surprising to have Carla Abellana featured in the 2012 calendar of Tanduay. Her parents are both good-looking, Rey PJ Abellana a popular actor during his time and her mother Rea Reyes, the daughter of another veteran beautiful actress, Delia Razon. 

MANILA, Philippines - Kakaibang showbiz glamour ang hatid ng 2012 calendar ng Tanduay dahil sa kanilang pin-up dream girl na si Carla Abellana. Gustung-gusto ng kumpanya ang Kapuso actress. “Stunningly elegant beauty, a sexy yet innocent appeal, brains, talent, and a glittering showbiz future,” ang deskripsiyon nila kay Carla.
Unang nakilala ang aktres sa Rosalinda, ang remake ng GMA 7 sa Mexican telenovela at nakakuha agad si Carla ng award sa 2010 Star Awards bilang best new female television perso­nality.
Mula noon, naipakita na ng aktres ang versatility sa iba’t ibang programa at nagpamalas ng ga­ling sa acting, singing, dancing, at pati hosting.
Napansin din siya sa Mamarazzi episode ng Shake, Rattle & Roll 12 at nagka-best actress award sa Star Awards, ganun din sa Young Cri­tics Circle bilang best movie performer.
Naging daring naman si Carla sa mature role sa My Neighbor’s Wife at mapapanood pa sa dalawang Metro Manila Film Festival entries na Yesterday, Today, Tomorrow at Kingpin: The Asiong Salonga Story.
 Dala ni Carla ang pagiging elegante at sexy kaya hinihintay na siya sa bagong kalendaryo ng Tanduay.

8.25.2011

Sagutan ni Carla Abellana at Mario Bautista, pinag-uusapan pa


Hindi ko alam kung ito ay magandang publicity para sa pelikulang My Neighbor's Wife pero ngayon lang yata nagkaroon ng ganitong pangyayari na ang beteranong entertainment editor ay hindi iginalang ng isang artista.

HIT as in talaga namang sapat na sapat na ang sagutan nina Carla Abellana at Mario Bautista sa mismong presscon ng “My Neighbor’s Wife.” Idagdag pa riyan yung sariling isyu ni Mother Lily against Carla’s manager na si Arnold Vegafria.
Yes, negatibong-negatibo talaga ang dating ngayon ni Arnold dahil nga sa mga pinaggagawa nito lately.
Napuno nga ng tensyon ang naturang presscon nang magkaroon ng mainit na konprontasyon sa pagitan ng veteran columnist na si Mario Bautista (ng Journal Group of Publications) at Carla Abellana.
Nag-ugat ang diskusyon sa artikulong isinulat ni Kuya Mario na ibinase niya sa press release ng Regal Films tungkol sa My Neighbor’s Wife.