Showing posts with label Gretchen Barreto. Show all posts
Showing posts with label Gretchen Barreto. Show all posts

2.27.2012

Gretchem Barreto Disappointed


Sa isang artistang wala na yatang mahihiling sa buhay, isang kabiguang makakasakit sa kaniya ay ang hindi pagjkakatuloy ng proyekto. Kay Gretchen Barreto, ito ang hindi pagkakatuloy ng ALTA, isang teleserye na kaniyang pinaghandaan na.

Ito ang balita. 
MANILA, Philippines – Gretchen Barretto was upset when she found out that “Alta,” one of ABS-CBN’s supposed biggest primetime offerings this year, had been canceled even before it could come out of the drawing board.
“Oo [sumama ang loob ko]. For two weeks I was grieving, Boy, alam mo ‘yon. Iniyakan ko ang proyektong ‘yon,” Gretchen, without batting an eyelash, admitted in a taped one-on-one interview with her manager Boy Abunda on “The Buzz” aired Feb. 26.
She continued, “I guess kasi na-disappoint ako dahil ang tagal-tagal ko’ng hinintay ‘yung proyekto. I believe in the project, I believe in the story, in the cast. And excited na ‘ko, handang-handa na ‘ko sa lahat.”
“Alta” was first promoted last year, and was supposed to star Gretchen, Zanjoe Marudo, KC Concepcion, Luis Manzano, Diether Ocampo and Angelica Panganiban.

6.20.2011

Gretchen Barreto walked out when compared to Dominique


Gretchen Barreto was irked when a member of the press asked her how does he feel being a high school undergraduate compared to her daughter Dominique who is now in College. She stood up and walked away.

That's what she used as a term, walk away and not walk out.

Read the complete story here.

12.09.2009

Gretchen Barretto admitted she prays the rosary five times a dat





Quotation of the Day from an Ever Controversial Celebrity:



Gretchen Barretto on her life, career and a possible acting award:
“Every day limang rosaryo ang dinarasal ko. Every week talaga nasa Baclaran ako … Dinarasal ko po ang aking teleserye, career. Kaya po huwag kayong magulat at magiging active talaga ako sa mundo ng TV.” (Lima? As in?)


4.02.2009

Gretchen Barretto admits having lips made pouty


Does Gretchen Barreto need to admit that she had lip enhancement. Don't people see that the lower lips are like bloated cherry tomatoes cut in half?

And yes she still has bodyguards paid by the live-in companion so it is not true that they have parted ways but there is always the seed of doubt that something amiss with the relationship. People who know how Boy Abunda creates controversy and drama for the promotion of his talent's project. don't be surprised that all things well after the promotion.


May plano ba siya na magpaayos din ng iba pang parte sa mukha niya?



"No," mabilis na sagot ni Gretchen.



Ilang oras ginawa ang kanyang lip enhancement?



"I don't know. I'm not like, look at your watch, and then... Siyempre hindi ko alam."



THE BODYGUARDS. May mga bodyguards pa rin ba siya?



"Yes, alam mo, guwapo sila, huh! Hindi ko binibilang. Nasaan na ba sila? Ayun sila," sabay turo sa kinaroroonan ng kanyang bodyguards.



Nakasuot pa rin ba sila ng barong?



"E, kapag naka-barong kapag pinapunta ko sila dito? Bakit mo ba hinahanap?" nagtataka niyang sabi.



Yun daw kasi ang sign na sila pa rin ni Tonyboy. Sa pagkakaalam kasi ng marami, si Tonyboy ang nagbigay sa kanya ng bodyguards to protect her dahil she's "very precious" sa kilalang negosyante.



"Owww! I've got more guards than him!" tawa niya. "I'm sorry... Than he does. Mali, mali ang pagkasabi ko."



Siya ba ang nagbabayad ng bodyguards niya?



"No, I don't. Bakit mo ba tinatanong lahat 'yan? May balak ka bang bayaran ang guards ko?" tawa niya.



"Oh, yeah. It's a sign!" pahabol niya.



Kung sakali ba na dumating ang panahon na maghiwalay sila ni Tonyboy, handa na ba siya?

3.29.2009

Gretchen Barreto pamisysterious pa, promo lang naman ng kaniyang album


Expect Boy Abunda to interview Gretchen Barreto when the latter is promoting something. With the news about a special someone who she had been during her birthday, I speculated that something's cooking.

I am right. She is promoting her album. Singer daw siya oh. The producer is no longer Tonyboy Cojuangco. it is herself,Malou N. Santos and Annabelle Regalado-Borja


- Ang daming nainis kay Gretchen Barretto sa kanyang interview sa The Buzz kahapon. Feeling ng mga nanood, wala sa sarili si Gretchen dahil meron pa siyang mga dramang nakatingin lang sa host na si Boy Abunda sa Tough 10 Questions na hindi mo naman alam kung bakit may ganun pa.

Tinanong ni Boy si Gretchen kung tinanong na ba siya ng groom to be niya ng ‘will you marry me.’ Ang unang sagot ni Gretchen, tingin lang kay Boy tapos umiling. Tapos tumitig na naman. “Parang ewan. Ano ba ‘yun,” sabi ng isang nanood sa The Buzz.

Bago ‘yan hindi rin direktang sinagot ni Gretchen kung pinalayas siya sa bahay nila ni Tony Boy Cojuangco dahil nang malaman daw ‘yun ni Boy, tina­wagan siya at sinabing ‘you have a room in my house.’ Pero wala ring linaw kung natulog ba siya dun sa bahay ng TV host dahil sinabi niyang natutuwa siya dahil maganda ang bahay.

Anyway, bakit kasi hindi pa mabanggit ang groom to be na ‘yan. Alam naman ng lahat na si Tony Boy ang kinakasama niya bagama’t maugong ang balitang wala na sila at open na ang relasyon ni Gretchen kay Dodie Puno na ama ng anak ni Alma Concepcion.

Kasama rin sa mga tanong kung magkano ang halaga niya. “I’m priceless. Malalaman mo lang naman ang value ng tao pag wala na siya,” sagot ng kontrobersiyal na si Gretchen. Ayaw din niyang sagu­tin kung kanino puwedeng i-dedicate ang kantang Don’t Say Goodbye.

Marami pang recycled questions na ewan ko ba naman kung bakit pa-mystery pa ang sagot ni Gretchen.

Ang bottomline, nagpo-promote kasi siya ng album sa Star Records titled Complicated.

“I’m a singer,” sabi niya sa contract signing niya na naganap kamakailan para sa kanyang second album na may pamagat na Complicated.

Pagkatapos ng kanyang debut album na Unex­pected na nagbigay sa kanya ng kanyang kauna-unahang gold-record award, isa na naman sigura­dong album na nagri-represent ng kanyang buhay ang ginawa niya.

“Because my life is complicated and my status is complicated kaya Complicated ang title. ‘Di ba, obvious naman?” pabirong sabi ni Gretchen.

Ang carrier single ng pangalawang album ni Gretchen ay Ready to Take A Chance Again.

Ayon kay Gretchen, bawat track na kasama sa Complicated ay malapit sa kanyang puso. “Ang gaganda kasi ng lyrics. Kaya everytime I sing it, palaging may puso,” kwento niya.

Nang tanungin si Gretchen kung papipiliin siya ng isang kanta sa tracklist ng kanyang current album, alin dito ang best na makaka-describe sa kanyang buhay ngayon, walang pag-aalinlangan niyang sinagot ito ng: “I think the song Complicated is the best choice.”

Pinrodyus mismo ni La Greta, Malou N. Santos and Annabelle Regalado-Borja ang kanyang latest sure-hit album.

3.13.2009

Gretchen Barreto's Special Someone


Away from the maddening crowd.
Is this another gimmick for Gretchen Barreto's upcoming album or it is true that she spent her birthday with a "special someone" whose name is not Tonyboy.

Here is the story.


That must be how Gretchen Barretto wants to have a belated birthday (March 6, actually) celebration this year. D-day itself was a working day for Gretchen who did a pictorial for her second album, Complicated (the first was titled Unexpected).

Guess where Gretchen and her, ehem, “special someone” (whose first name is not Tonyboy) hied off for a reported post-birthday celebration — yes, Tagbilaran City, Bohol, where she arrived last Wednesday with Pops Fernandez and Bebe Gandanghari on the same Cebu Pacific flight with Cesar Montano and wife Sunshine Cruz who own a resthouse in Baclayon town where Cesar comes from. Gretchen’s “special someone” arrived later. Together, the entourage went to Cebu City yesterday and are expected back in Tagbilaran maybe today.

“They plan to say hello to the tarsier, take the Loboc River night cruise and visit the Chocolate Hills, probably with Cesar and Sunshine as guide,” said Funfare’s Bohol DPA.

2.15.2009

Gretchen Barreto's Show Axed


Gretchen Barreto's You and Me Against the World was axed despite it's one million prize give-away weekly. What has gone wrong?

Sayang naman at namaalam na ang You & Me Against the World sa ere. Maganda pa naman sana ang concept ng show. In fairness, okay namang host si Gretchen Barretto.

Ganun naman sa TV, ‘di mo alam kung ano ang gusto ng mga manonood. Minsan matagal bago nila matanggap ang isang palabas. Kung maikli ang pisi ng producer, lalo’t blocktimer, bibigay talaga siya. Kung network naman ang nag-produce at hindi naibenta ng husto sa mga advertisers, ‘di rin magtatagal. Eh, si Gretchen gusto pa naman daw mamigay lagi ng P1M weekly.

Oh well, Gretchen, marami pang pagkakataon, pasasaan ba’t makakatagpo ka rin ng isang hit show.

12.26.2008

Ricky Lo is tired of love birds

I just love the way Ricky Lo summed up the Events in 2008


The Dr. Vicki Belo and Dr. Hayden Kho files

Ho-hum! Aren’t we tired of these lovebirds who have broken up and who have kissed and made up; and who have broken up (again!), driving Dr. Hayden to a suicide attempt by over-dosing on unidentified pills, and who just might kiss and make up (oh no, not) again!?! Next “patient,” please!



Agree. Stop it.

The never-ending real-life ‘teleserye’ starring Gretchen Barretto and Tonyboy Cojuangco

Newsmaker for all seasons this year and years before and, for sure, in the years ahead, Gretchen Barretto proves true to her image as “The Paris Hilton of the Philippines,” with her every move and every word faithfully monitored by the media. Whether he likes it or not, her beloved Tonyboy Cojuangco — along with a popular playboy-businessman — is (reluctantly) caught in the eye of the storm.


I think this is just publicity every time Gretchen has to sell something.

The Gabby Concepcion factor

Who would have thought that Gabby Concepcion’s much-awaited homecoming from his 13-year “exile” in California would stir up an Intensity-10 shaker? The boyish ’80s Regal Baby got entangled in a court case filed by his manager, Rose Flaminiano. Together, they dragged into the mess other people, including Gabby’s friend Nadia Montenegro and Flaminiano’s “defender” Cristy Fermin who was slapped with a three-month suspension by ABS-CBN in the process. Nobody emerged a winner from the “free-for-all.” The loser? Gabby’s ailing father Rollie Concepcion whose heart condition was reportedly aggravated by the ugly incident.

9.22.2008

So what is she promoting again? I am referring to Gretchen Barreto who was recently rumored to have been thrown out of the Dasmariñas mansion by her longtime partner Tonyboy Cojuangco.

In his column published last Friday, September 19, Philippine Star entertainment editor Ricky Lo wrote that Gretchen "was packing her things and leaving the mansion in [Dasmariñas] which she and her beloved Tonyboy Cojuangco and their daughter Dominique have been sharing even during these past turbulent years."

According to Ricky's source, "Tonyboy drove her [Gretchen] away."

The PEP's investigation yielded three information from diffrent sources.

1.Tony is not the kind to kick anybody out. He's really mabait."

2. "What news it that? She's still there."

3. "As far as their friends know, they're still in one house. Pero parang hindi nagpapansinan."

Startalk also reported last Saturday, September 21, that Gretchen herself denied the report in a phone conversation with her business manager Boy Abunda.

The speculation is that Gretchen has made amends to Tony, and is now playing the dutiful mistress.


7.14.2008

GRETCHEN BARRETO WILL BE HAVING A MOVIE

Now that explains the controversies and intrigues about Gretchen Barreto that are now published in the tabloids almost every day. Aside from her guest appearance in Maalaala Mo Kaya, news is she is going to do a movie. Hindi na ba nadala ang nagproduce ng latest movie niya?

She denied that she made "kindat-kidnat to senator-actor Bong Revilla during the wake of Rudy Fernandez to get his attention with her new-injected face with botox.

Then she asked the question; "does my face show that I had a botox treatment."

this is her old picture.



Have you seen her face right nowadays?

7.08.2008

GRETCHEN BARRETO TALKED ABOUT THE CREDIT CARD ISSUE

What's new?

Gretchen Barreto just repeated the explanation of Boy Abunda about the credit card declined issue that it was rejected because of machine malfunction. Many people with credit card themselves think that this explanation is a no brainer since the info needed to process the transaction can be done manually in case the swipe machine does not work,

According to the previous news, it was Ruffa who paid the bill. When interviewed, Ruffa Gutierrez may have indirectly admitted by dismissing that there's no problem among friends if she gives the treat.

Interview of Ruffa Gutierrez


Gretchen Barreto, however, explained that everyone contributed and her share was 2,000 pesos.

Who's lying now?

She also denied that she said " We own the bank".

Was her appearance in the Maalala Mo Kaya, a damage control or assurance that she still has a career?





6.27.2008

BOY ABUNDA DEFENDS GRETCHEN BARRETO

As if it is Boy Abunda, the explanation is acceptable so he responded to questions regarding the credit-card-decline-fiasco.

About the news that Gretchen is leaving for abroad.

Boy's answer: "Ang totoo, si Dominique [solong anak ni Gretchen kay Tony Boy] ay ilang taon na lamang at mag-aaral na sa abroad. I'll put it straight, ‘no. Yung sinasabi na mag-a-abroad si Gretchen at si Tonyboy ay gusto talaga nila, ‘pag halimbawa, nag-boarding school na or nag-aral na sa abroad si Dominique, gusto nila ay kasama sila ng anak.

Look at this no-brainer answer. What is the use of putting her to boarding school if they like to be together. Di getz na lang sila ng bahay and enroll her in a non-boarding school.

Question: Bakit wala si Gretchen sa party ng kaibigan niyang si Ruffa Gutierrez last Saturday, June 21.


Boy's Answer:"Hindi ko masasagot yun. Hindi ko alam. Ah, I think there's a good reason. Nag-uusap 'yan. Kanina magkausap yung dalawa.

Right Answer: Because of the credit card incident. Is that not obvious.

Question:
Sinadya raw ni Gretchen ang hindi pagpunta sa party ni Ruffa?


Boy's answer: "Hindi ko alam. Wala akong dahilan na puwede kong ibigay. Pero kung ang implikasyon ay merong problema, wala. They're talking."

Right Answer:If there is no problem, what are they talking about ?

Question:
About the credit card fasco.

Boy's answer: "Totoo bang hindi in-honor [ang credit card ni Gretchen]? Totoo po yun. Totoo po yun na nangyari sa isang restaurant. Totoong sinubukan po ng cashier. Ilang beses sinubukang i-swipe ang card, hindi po nag-work. Totoo, pero hindi ang dahilan ay pinutol. May problema ang magnet nung machine.


If the swipe machine is the problem, the cashier can input the 16 digit number manually. Tinatanga naman ni Boy Abunda ang mga nagbabasa.

Questions:
Totoo rin ba na nagalit si Tonyboy kay Gretchen dahil ikinumpara siya sa asawa ni Ruffa na si Yilmaz Bektas?



"Ah, ‘yan ang hindi ko alam na departamento," sagot ni Boy. "Pero totoong medyo nagalit si Tonyboy o sumama ang loob dahil una, puwede namang magdala si Gretchen ng cash. Puwedeng magdala ng ibang card.



"Sa aking paningin naman, malapit lang ang bahay nila. Puwede siyang magpakuha ng pera. Pero na-realize ni Gretchen na kahit pag-isipan si Tonyboy ni Gretchen na ipinaputol ang card, it was not fair to Tonyboy because Tonyboy will never do it.


Yep and why did Gretchen did not do that?



"Wala sa karakter ni Tonyboy na gawin ang ibinibintang sa kanya. So, hindi malayo na nagalit talaga si Tonyboy dahil sa pinag-isipan siya—huwag na nating isali ang ibang tao—ni Gretchen, na ipinaputol ang card. Pero naayos yun.

6.24.2008

GRETCHEN BARRETO LEAVING FOR GOOD

I don't believe the news that Gretchen Barreto is leaving for good. The lady who always wants to be in the middle of the controversy, to be adored by her dwindling fans would not like to go in a place where nobody would care if she has a lot of
signature clothes, bling blings, shoes and bags. What is good life when there is no audience to admire her.

MANILA, Philippines—I cornered Pops Fernandez about what really happened during her dinner with Gretchen Barretto and Ruffa Gutierrez at Dusit Hotel. Reports say that Greta’s credit card got declined so Ruffa ended up footing the bill.

Afterwards, Greta and her partner Tony Boy Cojuangco were seen having a heated argument. Apparently, Greta was disgusted because of the credit card incident.

“You know me girl, I never ask,” said Pipay. “That’s why I just sing (laughs).” Concert Queen turns Deadma Queen.

Tired of the limelight?

Speaking of Greta, she’s been quoted as saying that she’s tired of living in Manila, where her every move is being watched. So she will leave the country soon. I doubt that she will be gone for good, though. Greta basks in the limelight. What she hates about being a celebrity is also what she loves about it.

6.19.2008

RUFFA DEFENDS GRETCHEN BARRETO

RUFFA GUTIERREZ

So she is in the press conference prepared by the BELO MEDICAL GROUP.

So she will not be talking about the clnic all the time. She has to talk about something controversial so that people will read. Who is going to read about how her skin is being maintained by a group of doctors, beauticians and other beauty caregivers?

So she talked about Gretchen Barreto while saying that she promised not to make comments. Did she ? Or she just confirmed the incident?

Excerpt from inquirer.

"The one with Gretchen, I mean I promised her kanina that I wouldn't comment about it kasi nangyari po ‘yon sa isang private setting. So nagulat po kami kung paano lumabas sa Internet. Siguro naikuwento ni Gretchen o naikuwento ni Pops o naikuwento ko to some close people, pero hindi po namin akalain na lalabas po ‘yon sa diyaryo o Internet. So I guess it's best to ask Gretchen about it because baka sabihin niya na I'm using it for publicity," paliwanag ni Ruffa matapos ang presscon proper.

Para kay Ruffa, wala naman daw masama kung siya man o ibang kaibigan naman ni Gretchen ang manlibre. Kung tutuusin nga raw ay maliit pa ang halagang P4,300 kumpara sa mga nagastos ni Gretchen noon para sa kanyang mga close friends. Meaning to say, talagang generous si Greta pagdating sa kanyang mga mahal sa buhay.

"Yeah, wala namang problema. I mean, how many times naman po na si Gretchen po ang nanlibre sa ‘kin?" depensa ni Ruffa. "So I think as a friend, okey lang naman na paminsan-minsan, ibang friends like me or Pops ang manlibre naman sa kanya, di ba?"

Inamin ni Ruffa na nabahala siya nang mabalitaang lumabas na nga ang naturang insidente sa publiko. Baka raw kasi paghinalaan siya ni Gretchen na siya ang nagkalat ng kuwento sa ilang kaibigang reporters.

"Medyo na-bother ako kasi baka ako maging suspect, di ba? Ng paglagay sa Internet, which is hindi naman talaga. I know a lot of things and never ko talaga ikinukuwento. That's why I think I'm a good friend because kahit sinasabihan ako ng sikreto, three days later nakalimutan ko na kung ano'ng ikinuwento sa ‘kin!" bulalas ng bagong Belo endorser.


Is hotel a private setting? Did the commotion alleged to have happened during the confrontation of the live-in partners happen in a private place?

6.17.2008

GRETCHEN BARRETO IN THE NEWS AGAIN

gretchen+barreto
Gretchen Barreto is in the news again. Read and see if the stories are not to stir up publicity for the ageing actress.

There are two incidents when the controversy magnet were involved that were brow-raising according to PEP.

One was when the credit card of the The Gretchen Barreto which is of course courtesy of her live-in partner Tonyboy Cojuangco was declined three times by the hotel where she invited her friends Ruffa Gutierrez, Pops Fernandez and a non-showbiz for dinner.
(does she carry only one credit card?)

Ruffa was said to have remarked about the possibility of cancellation of her credit card by Tonyboy like what Yilmaz did to her when she came back to the Philippines.Ruffa ended up paying for dinner which amounted to more than four thousand pesos. ( in a five star hotel, what could you eat for 4,000 pesos?) That's hardly a 100 dollars.

It was reported that Gretchen texted someone which turned out to be Tonyboy because he came rushing in after a few minutes. The people in the hotel heard the two quarelling inside the comfort rooms. (What comfort room? ladies or men?)

If it is true that Tonyboy is like what is pictured in the story... that is he would come at the push of a button by Greta, what kind of a person is he... too madly in love with the old actress?

The second story happened during the wake of the late Rudy Fernandez. It is popularly known that Bong Revila and Gretchen Barreto had illicit affair. Gretchen Barreto allegely winked several times to the actor-senator which sent Lani Mercado got closer to her husband. Marjorie Barreto is said to have nagged her sister from doing it. The
has-been actress commented that she was just trying to find out if her botox gets the attention of the actor.

4.29.2008

Press People Walk Out on Press Launch of Pantene Shampoo Endorsers

It is said to be the first time for Press People to walk out Walk Out on Press Launch of Pantene Shampoo Endorsers.

This was the statement made by the entertainment media and press after they staged the walk out last night April 28 at the poolside of te intercontinental manila, Makati city.

It was a unanimou agreement of the media outfits of print and tv media to leave the venue after waiting for the four celebrity-movie stars endorsers of the shampoo product-

Claudine Barreto
claudine barreto

Ruffa Gutierrez

ruffa-gutierrez

Judy Ann Santos

Judy Ann Santos

Gretchen Barreto

gretchen-barreto




The invitation said that the registration starts at 6:00 followedby the cocktails at seven.

The people started arriving and the production crew of the media events organizers have not finished setting up the equipment.


Cocktails started at 8:00 but the celebrities have not appeared yet for the Q and A
portion where the media practtioners can ask questions to the celebrity endorsers.

The Q and A portion was brief since most of the reporters would like a solo interview with the movie actresses.

instead of a photoop that was supposed to be scheduled at the photowall, an exclusive interview of the endorsers by Ricky Lo was held.

The interview lasted for thirty minutes but waiting time again for the endorsers started when the endorsers were escorted back to the restroom to refresh their make -up.

The media left after waiting for a long time.

Source: PEP

2.28.2008

GRETCHEN, NADIA AT AMININ HAHAHA

KAtuwa itong si manunulat na ito. PArang kilala ko ang tinutukoy niya. YOng mukhang datung. hehehe. Aminin kaagad. UHm. Biglang tikwas ng leeg at sabi ng TSEE niya.

Ito ang isinulat ni Pete ng Online Journal.



Ha! Ha! Ha! She’s at it again.

Meaning, this entertainment columnist who supposedly takes pride in her objectivity as a writer and teevee personalityas well.

As always, sa away nina Gretchen Barretto at Nadia Montenegro,sa una siya kumakampi for obvious reason – ang datung. Ha! Ha! Ha!

Ano pa ba naman kasi ang maibibigay sa kanya ni Nadia pagkatapos na mailit ang P90 M mansion nila ni Mayor Asistio?

Ha! Ha! Ha! Talaga naman, when money talks, people tend tolose their head and their sanity as well, along with their objectivity or sense of fairness. Ha! Ha! Ha!

Para sa amin, hindi naman siguro magri-react nang ganun si Nadia kung walang ginawang di kagandahan sa kanya si Greta.

In the first place, why was Nadia so emotional while Greta was acting like Elvira, the vampy witch?

Mas aktres kasi si Gretchen and she knows how to play her trump cards pretty well.

When on cam, she knows how to get public sympathy by feigning innocence. Kunu-kuno, people are ganging up on her and she’s the aggrieved party.

Ha! Ha! Ha!

How deceitful can you get!

Tulad na lang sa confrontation na ‘yun nila ni Nadia sa Rembrandt Hotel.kung may teevee cameras roon, do you think La Barretto would be acting the way she venomously did?

Ha! Ha! Ha!

Porke ba’t mayaman siya at maganda kuno, she would have the license na to flaunt her horrendous indicretion for the public to ogle at or feast on?

Kagandahan ba ‘yung may ka-live-in ka na pero nakikipaglaplapan pa kung kani-kanino?

I’m not saying that Nadia’s a saint but so far,she has never become obscene in the public’s eyes.

Di naman siya nakipaglaplapan kay John Estrada, o kay Ricky Yabut kaya na utol pa naman ng legal wife ni Tonyboy Cojuangco.

Kung anuman ang ginagawa niya, (‘yan ng kung ginawa siya) she was most discreet about them.

In short, may breeding siya at edukada.

Kaya tigil-tigilan na ng taling-harap na kolumnista na ‘to ang pagbira kay Nadia dahil mas malinis naman ito kung sa kanilangdalawa lang ni Greta, ‘noh?

Imagine, makikipag-confrontation siya kay Nadia pero take note! Hindi si Tonyboy ang kasama niya kundi si Mr. Puno.

Ano ba ang gusto ni-yang palabasin?

Buti pa nga si Nadia at marunong rumespeto sa kanyang common-law husband na si ex-Mayor Asistio.

Si Gretchen, understandable lang na kairitahan siya ni Madam Imelda Cojuangco o dahil sa mga ka-cheap-ang kanyang pinaggagagawa.

Period. Walang comma!



Tags:
,,,,,,

2.22.2008

GETCHEN BARRETO AND NADIA MONTENEGRO GIYERA PA RIN

Talaga bang pinagkakasundo o pinagkikita lang para mag-away?

For biography of NADiA MONTENGRO, go to this page.


Ito ang balita galing sa PEP.


Naibalita dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, February 21, na ang pagkikita nina Nadia at Gretchen sa Hotel Rembrandt ay hindi nauwi sa pag-aayos ng dalawa.

Kinumpirma naman ito nina Cristy Fermin at Jobert Sucaldito sa kanilang radio program na Showbiz Mismo na televised sa dzMM Teleradyo. Si Cristy ang namuno ng pagbabati sanang ito nina Gretchen at Nadia. Si Cristy ang sinasabing nag-ayos ng pagkikita ng dalawa sa Hotel Rembrandt noong Miyerkules ng gabi, Pebrero 20.




Ayon kay Jobert, initially ay hindi naman kasama sa plano si Nadia. "Pero mas maganda raw, sabi ni Gretchen, kung nandoon [si Nadia]," ani Cristy.

KUNG PAGBABATIIN TALAGA, BAKIT HINDI BALAK KUMBIDAHIN SI NADIA. SINONG MAGBABATI?gulo ng dalawang movie reporter na mga ito.

Bukod sa dalawang aktres, naroroon din sina former Caloocan Mayor Boy Asistio, ang kinakasama ni Nadia; Tanya Montenegro, ang ate ni Nadia; Dody Puno, ang napapabalitang nakarelasyon ni Gretchen; at ang anak ni Dodi na si Raffy.


ANO NAMAN ANG GINAGAWA NI DODY PUNO DOON?

Bago pa man ang planong pag-uusap, ayon kay Cristy, tinutunton na diumano ni Gretchen kung sino ang nagkakalat ng mga balita tungkol sa kanila ng kanyang partner na si Tonyboy Cojuanco.

Kuwento ni Cristy, "Kasi tinutunton nila kahapon at kinukumpirma na nga ni Gretchen kung sino talaga ang nagpapaikot ng balita na siya ay pinalayas ni Tonyboy Cojuanco sa kanilang bahay na wala siyang nadala na kahit anong gamit niya. At nakumpirma na rin nila kung sino ang nagkukwento na mayroong relasyon si Gretchen at Mr. Dody Puno."



At sa mismong pagkikita, nagkausap pa diumano sina Gretchen at Boy Asistio bago pa man magkaharap ang una at si Nadia. Dito diumano nag-open si Gretchen ng kanyang nararamdaman sa kanyang kaibigang si Nadia.



Lahad ni Cristy, "Naalala mo [Jobert] yung magkatabi kayo ni ex-Mayor Asistio, nandito naman si Mr. Dody, 'tapos si Raffy at saka si Gretchen? Yung dumukwang si Gretchen na ganun, kinuha yung kaliwang kamay ni Tito Boy? Cinematic yun para sa akin. Napakamarespeto ni Gretchen.



"Kinuha po niya, mga kaibigan, ilalarawan na lang po namin... Kinuha po ni Gretchen yung kaliwang kamay ni Tito Boy na kaliwa din po niyang kamay. 'Tapos hinawakan po niya nang mahigpit."



Matapos nito ay nagsalita si Gretchen at ikinuwento ang kanyang mga narinig tungkol sa totoong saloobin diumano ni Nadia sa kanya.



Patuloy ni Cristy, "Sabi niya [Gretchen], ‘Mayor, kaya ko rin pong tapatan ng masasakit na salita at accusations ang ginawa sa akin ni Nadia kaninang umaga sa mga text messages niya kay Ogie na tinawag niya akong ‘may pusong itim.' Mayor, iniisip ko lang po kayo, nirerespeto ko lang po kayo at ang mga anak ninyo na inaanak ko pa.'



"‘Mayor, ang sabi po niya kay Rufa Mae Quinto, kay P-chi, ang dahilan daw po ng galit niya sa akin ay kung bakit ko kayo mapalayas sa bahay ninyo. Kung natatandaan n'yo po, hindi pa kami magkakilala ni Tonyboy noong isanla ninyo ang bahay na iyan. Pero nang dumating ang pagkakataon na kailangan kayong paalisin, ginawa ko po ang lahat para ma-extend pa, magkaroon ng grace period yung pag-stay ninyo sa bahay.'



"Sabi niya [Gretchen], ‘Apat na taon ho kayong tumira doon. Ngayon nung dumating na po yung pang-apat na taon at kailangan nang kunin ng bangko yung bahay, I can only do so much.' Sabi niya [Gretchen], ‘Kayo po ang nagpabaya, hindi po ako. Ang kailangan 90 million [pesos]. Where do I get the 90 million? Wala naman akong pera.'



"‘Ngayon, despite that tumawag pa po ako kay Nadia the night before yung sheriff.' ‘Girl, kunin ninyo ang lahat ng kailangan ninyong gamit para kapag dumating na ang sheriff, nailabas n'yo na para kapag dumating na ang sheriff, kahit kutsara at tinidor, hindi n'yo na mailalabas pa.' Mayor, masama pa ba ako? Mayor, sagutin mo ako. Do I deseve this?'"



Habang nangyayari ang pag-uusap sa pagitan nina Gretchen at ex-Mayor Asisitio, kinakausap naman diumano ni Cristy si Nadia sa ibang kuwarto. At pagkatapos ay sumunod na doon sina Gretchen at Dody Puno.



Sa mga sumunod na kuwento ni Cristy, inilahad niya kung paano nagsimula ang diumano'y kumprontasyon sa pagitan nina Gretchen at Nadia.



"'Tapos nang umakyat na sila, medyo nagkaroon ng gulo. Nagkaroon ng gulo ito, hindi ito yung kasing kinis ng ating inaasahan na pagbabati dahil ayon sa ating impormante ay hindi naging maganda ang pag-uusap nila dahil sa tanong ni Gretchen na, ‘Why me, Nadia? Why me?' Ang sagot daw agad ni Nadia ay, ‘Show me your evidence.'



"So, doon na nagsimula. Ang dami nang naungkat, may naghi-hysterical na, may nag-iiyak na. So, sa madaling salita, hindi pa rin natutuldukan ang kontrobersiya sa pagitan nila pero ang mahalaga nasimulan."



Sa ngayon, wala pa ring balita kung ano na ang mga sumunod na pangyayari matapos ang pagkikitang ito.



Subalit nakausap diumano ni Cristy si Boy Asistio ukol dito.



Ayon sa dating mayor ng Caloocan, "Blangkong-blangko ako sa lahat ng mga pangyayaring ito. Pero iwan ninyo sa akin, kakausapin ko si Nadia. At kung kinakailangan na mag-issue siya ng public apology pag-uusapan namin. Pero hindi ko siya puwedeng pangunahan na mag-issue siya ngayon na hindi ko pa alam ang kanyang kuwento."



Tags:
Tags:
,,,,,,

2.21.2008

GRETCHEN BARRETO AT NADIA MONTENGRO BATUHAN NG BASO KAWAWA NAMAN ANG BASO

Ganda sigurong panoorin ang eksena. Ano kaya ang mga dialogue, bago nagliparan ang mga baso?


Ito balita sa PEP.

EYEWITNESSES' ACCOUNT. Ayon sa mga ilang nakausap namin noon sa Hotel Rembrandt na tumanggi nang magpakilala—kabilang na ang isang kilalang tao at ilang staff ng hotel—may ilang masasakit daw na salita ang nabitiwan sa pagitan nina Gretchen at Nadia. Nauwi raw ito sa batuhan ng baso. Hindi lang nila nakumpirma kung natamaan si Greta.



"Gretchen said something really nasty, Nadia did the same. After that, glasses came flying," kuwento ng isang source.



"Mabilis lang ang mga pangyayari. Ilang minuto lang ang itinagal. Nandun sa itaas si Dody [Puno] at saka si Boy [Asistio]. Binantaan pa ni Nadia na sisirain daw niya si Gretchen," dagdag naman ng isang nagkuwento na noo'y nasa labas daw ng kuwarto kung saan naganap ang kumprontasyon.



Si Dody ang nababalitang karelasyon ni Gretchen ngayon, bukod sa partner nitong si Tonyboy Cojuangco. Si Boy naman ay ang partner ni Nadia na dating mayor ng Caloocan City.



THE ROOT. Marami na ang haka-hakang lumabas. May nagsabing galit talaga si Nadia dahil hindi raw pinahalagahan ni Gretchen ang kanilang pagiging magkaibigan gayong naging isang tunay na kaibigan siya nang kasagsagan ng "kisscandal" kina Gretchen at John Estrada.



May version naman na nagsasabing tungkol sa pera ang pinag-awayan ng dalawa.



Kung anuman ang totoo, sina Gretchen at Nadia lang ang tunay na nakakaalam.



Pero sa column ni Ogie Diaz sa People's Journal ngayong araw, Pebrero 20, inilathala niya ang text message na ipinadala ni Nadia sa kanya. Halatang masama ang loob ni Nadia kay Gretchen.



Part of the text reads: "Puro front lang nakikita ninyo kay Gretchen. Diamonds, Jaguar, beautiful face, sexy, milyonarya, pero ang itim ng puso. Grade four pa lang kami puro pagpapasensiya na ang ginagawa ko diyan. Milyonarya rin ako pero pagkakaiba namin, milyon ang kaaway."



At press time, nananatili pa ring tahimik si Gretchen. Nakapatay naman ang cell phone ni Nadia.



Tags:
,,,,,,

2.20.2008

GRETCHEN BARRETO'S ANOTHER KISSING SCENE

Is this another publicity gimmick or not. The people involved are closed to home.

read the news from PEP.

ricky yabut

Pasok ngayon si Ricky Yabut. Nakarating sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang balitang noong February 10, nakita sa upscale resto-bar na Nuvo, sa Greenbelt 2, Makati City, si Ricky Yabut at ang date nitong si Rachel Anne Wolfe. Ngunit nang gabi ring iyon, nakita si Ricky na “kahalikan" si Gretchen Barretto.

Si Ricky ay brother-in-law ni Tonyboy. Kapatid nito si Denise “Nise" Yabut, asawa ni Tonyboy, na hanggang ngayon ay hindi pa naghihiwalay legally kahit mahigit na 15 taon nang hindi nagsasama. Kaya nga’t brothers-in-law pa rin ang tingin ng lipunan kina Ricky at Tonyboy. Ricky is in his 40s, katamtamang height, is dark skinned, at guwapo.

Si Ricky ay kasal kay Cita Revilla, ang pinakabunso sa magagandang anak ng veteran actor na si Armando Goyena, na kinabibilangan ng Camay Girl na si Maritess Revilla-Araneta at ang actress/TV host na si Tina Revilla. May dalawa silang anak, sina Nikky at Chelsea, na parehong teenagers. Sinasabing “napakagood-looking couple" sina Ricky at Cita, at bagamat sila ay hiwalay ngayon, sila raw ay nananatiling magkaibigan.

Si Rachel Anne ay isang hip-hop, R&B, jazz, at pop singer. Naging artista siya panandalian at naging Bb. Pilipinas Ms. Young International. Anak siya ni Annie Brazil, ang tinaguriang Queen of Jazz dito sa Pilipinas, at half-sister siya ni Richard Merk, ang kinikilalang Prince of Jazz. Sa website ni Rachel Anne, sinasabing asawa niya si John Spitaletta, na siyang pinag-dedikeytan niya ng isang cut sa album niyang Cool.

Nuong gabi ng a-diyes ng Pebrero, nasa Nuvo rin si Gretchen. Magkakilala ang tatlo: si Gretchen at Ricky, dahil kamag-anak ni Tonyboy by marriage si Ricky; si Gretchen at Rachel Anne, dahil friends ang dalawa nung bata-bata pa ang dalawa.

ANG INSIDENTE. Ayon sa source ng PEP na naroon mismo sa resto-bar, may pagkakataong umalis muna ng ilang minuto sa table nila si Rachel Anne. Sa abot-tingin ng source-witness ay pumunta ito ng restroom, sapagkat kung nakipagkuwentuhan lang ito sa ibang guests ay natanaw niya dapat ito.

Nang mawala sa mesa si Rachel Anne, and in plain sight ng iba pang guests sa resto-bar, biglang lumapit si Gretchen kay Ricky at naglambing umano nang husto sa lalaki. Sabi ng source-witness: “She was touching his hands, his face." Dagdag pa nito: “She was practically nibbling at his ears!"

Ayon pa rin sa source-witness, hinalikan ng isang “looking drunk" na Gretchen si Ricky, na gumanti din daw ng halik. Hindi nga lang daw agresibo ang paghalik ni Ricky sa partner ng kanyang bayaw, kung ibabase sa body language nito.

Sinasabi ring nang gabing iyon, nasa Nuvo ang ilang socialites and their gay friends, na nakakakilala rin kay Ricky. May mga haka-hakang isa sa mga ito ang siyang nagsumbong ng mga pangyayari sa Nuvo kay Cita Revilla-Yabut. Ngunit kung wala mang nakapagsumbong sa mga ito, nakumpirma ng PEP na alam na rin ni Cita ang pangyayari. Ayon sa isang kaibigan ni Cita, ikinuwento raw ni Ricky mismo ang pangyayari sa asawa. Diumano, sina Ricky at Cita ay may mga anim na buwan pa lang naghihiwalay.

Dalawang araw matapos ng insidente, o nuong Pebrero 12, bumalik uli sa Nuvo sina Ricky at Rachel Anne, kasama si Gretchen. Naroon din ang designer na si Czarina Sarte, si Ruffa Gutierrez, at nang bandang huli, si Rufa Mae Quinto. Walang insidenteng nangyari ng gabing iyon, ayon sa isang Nuvo regular.

But obviously, sabi pa ng Nuvo regular, wala pang alam si Rachel Anne tungkol sa nangyari kina Ricky at Gretchen dahil magkakasama pa nga raw ang mga ito. (As of press time, pinipilit pa ring kontakin ng PEP si Rachel Anne Wolfe, na nasa Bangkok, at si Ricky Yabut.)

AWAYAN SA KASIYAHAN. Noong February 17, sa birthday party ni Senator Jinggoy Estrada sa Blue Leaf Event’s Pavilion sa McKinley Road, Fort Bonifacio, Taguig City, naroon sina Gretchen at Tonyboy. Pareho silang pustoryoso. Bumata ang itsura ni Tonyboy; si Gretchen naman ay payat na payat pa rin.

Kinuyog agad sila ng press. Umiwas si Tonyboy sa mga tanong, pero si Gretchen ay masayang sagot nang sagot sa mga tanong. Ayon sa isang magazine reporter, iniwas ni Tonyboy si Gretchen palayo sa press nang papunta na ang mga tanong sa personal, na mukhang papunta na rin sa kuwentong Dody Puno. Nakuhan ito ng ABS-CBN camera.

Buong gabi, sabi ng mga reporters, kapansin-pansin ang pagte-table hopping ni Gretchen at ang pakikipagsayaw nito sa ibang guests at D.I.s na naroon. Di na raw halos ito bumalik sa mesa nila ni Tonyboy.

Paano naman, sabi ng ilang reporters, naroon sa table ni Tonyboy ang kapatid nitong si Choy Cojuangco at ilang Revilla sisters, kasama na rin si Cita Revilla-Yabut.

Nakikita sa mga katabing mesa ang pag-iyak ni Cita habang tila may ikunukuwento kay Tonyboy. Nang lumaon, dahil matagal at paulit-ulit ang pag-uusap nila, naulinigan na rin ng ilang naroroon na nagsusumbong diumano si Cita tungkol sa pangyayari ng Pebrero 10. Inirireklamo raw ni Cita ang ginawa ni Gretchen kay Ricky sa Nuvo.

Ang reaksyon ni Tonyboy, ayon sa mga sumusubaybay sa mga kaganapan sa mesa ng billionaire businessman, ay ang tuluy-tuloy na pag-apologize nito kay Cita habang panay ang lagok ng alak na hawak. At one point, sinundan pa raw ni Tonyboy si Cita habang umiiyak ang huli papuntang restroom, at patuloy pa rin daw itong humihingi ng dispensa. Nakita rin ito ng ilang bisita at press na naroroon.

Nang malalim na ang gabi, ayon na rin sa press, inaway-away daw sila ni Gretchen nang nagtangka silang kunan ng litrato ang kanyang partner na lasing na lasing na. Dagdag naman ng ibang guests, nag-away din nang matindi sina Gretchen at Tonyboy nang gabing iyon nang mag-uuwian na.

WHY, TONYBOY? Pero ayon naman sa isa pang PEP source, si Gretchen ay nasa bahay pa rin nila ni Tonyboy sa Dasmariñas Village hanggang sa sinusulat ito. Ibig daw sabihin nito ay naayos na muli ang anumang kusot na namagitan sa dalawa. Walang hiwalayang nangyari.

Ganoon pa man, ang usap-usapan sa showbiz ay tungkol sa tahasang public display of affection (PDA) ni Gretchen with the brother-in-law of her own partner: Ano na raw ba ang nangyayari kay Gretchen? Iyong kay John Estrada, puwede raw palampasin na nalasing lang, biglaan lang, minsanan lang—totoo man o hindi. Nguni’t iyong kay Dody? At ngayon itong kay Ricky?

Isang talent manager ang nagtatanong: Hinahamon kaya ni Gretchen si Tonyboy? Di ba niya iniisip ang epekto ng ganitong mga balita sa ama ng kanyang anak?

Tanong naman ng ilang movie reporters: Paano si Dominique, ang nag-iisa nilang anak? Napaka-public raw ng mga lugar na pinipili ni Gretchen, mula pa kay Dody at ngayon ay kay Ricky. Lugar pa raw ng mga mayayaman, na sirkulo mismo ni Tonyboy. Ano ba raw ang gusto mangyari ng babaeng madalas tawaging diyosa ng kagandahan?

Isang producer ang nagsabi: Dapat mamimili siya kung anong buhay ang gusto niya—isang mistress na may pananagutan sa partner o isang playgirl na may pananagutan lang sa sarili.

Ganito rin naman ang tema ng mga katanungan ni Gretchen sa sarili, ayon na rin sa kanya. Noong Pebrero 17, Linggo, sa The Buzz, tinanong ng host na si Boy Abunda—na manager din ni Gretchen—kung ano ang mga gusto nitong itanong sa sarili. Ganito ang naging sagot ni Gretchen: “Saan ka talaga pupunta, Gretchen? Kailan ba hihilom ang puso mo? Kelan ka ba mapapagod? Kelan ka ba titigil?"

Nguni’t hindi nagtatapos diyan ang mga katanungan. Ngayon ay nakatuon na rin ang pansin ng marami kay Tonyboy: Ano ba raw talaga ang nararamdaman ni Tonyboy sa mga nababalitang ito? Ilan pa raw kayang iskandalo ang kaya nitong ipagkibit-balikat?

Meron namang ilang movie stars ang ayaw pa-quote pero nagtatanong na rin: Hanggang kelan daw kaya ipagtatanggol ng businessman ang babaeng nagbibigay sa kanya ng kahihiyan? Hindi ba raw ito nawawalan ng respeto sa sarili sa paulit-ulit na pagtataksil ng babaeng dini-defend niya sa lahat?

Samantala, may CD si Gretchen na may isang dosenang kanta na, ayon na rin sa kanya, ay panay patungkol sa buhay at emosyon niya. Iniisip tuloy ng marami na gusto rin naman ni Gretchen ang mga gusot na itong lumalabas sa media dahil pinag-uusupan siya. Ito raw kasi ay surefire way to sell a CD


Tags:
,,,,,,,,,,,,