Mababawasan lalo ang mga pelikulang Pilipino sa pagtatampo ni Mother Lily na gumawa ng pelikula.
Ito ang balita.
Na-trauma sa MMFF… Mother Lily lie low muna sa paggawa ng pelikula
DAHIL sa sunud-sunod na sama ng loob ni Mother Lily Monteverde sa ilang kasamahan sa industriya, pansamantala daw muna nitong iiwanan ang showbiz. Ibig sabihin, magla-lie-low ang Regal matriarch sa paggawa ng pelikula. Ito’y matapos i-disqualify ng MMFF sa pagsali sa awards night ang pelikula niyang Yeterday, Today and Tomorrow dahil sa ilang technicalities involved in filming of the Gabby Concepcion, Maricel Soriano and Carla Abellana movie. Diumano’y may nabago sa ilang iskrip na nauna nang in-screen ng MMFF committee sa finished product.Anyway, going back to Mother Lily, sa ipinapagawa niyang resort sa Taal, Batangas muna siya maglalagi para makalimutan ang ilang taong nakasamaan ng loob.
